KABANATA 5

51 9 0
                                    

Kabanata 5


Hiding


--


Hindi yata talaga mapakali si Bella kaya kung ano ano ang ginawa nya sa loob ng kwarto ko habang nag aaral ako. Tinitingnan nya ang mga libro ko sa study table at minsan pumapasok pa sa walk in closet ko kaya mabilis kong sinisita.


"Hindi ka pwede dyan," sabi ko.

Lumabas agad sya at ngumuso sa akin. "Titingnan lang, eh..."


Sometimes she goes to my terrace and looks outside. But she will also come in later while frowning because she obviously wants to go out but can't do anything because I don't want to.  Lumalabas rin sya minsan at hindi ko alam kung saan pumupunta. Tapos maya maya bigla nalang susulpot sa kung saan kaya halos atakihin ako sa puso.


"Will you stop that?" Iritado kong sinabi.

"What?" Inosente nyang tanong.

"You're giving me a heart attack. I'm a human, alright? I'm still not used to your... powers," I said the last word in a weird tone.

Umirap sya. "Paano ka masasanay kung hindi mo palagi nakikita?"


Matalim ko syang tinignan pero hindi na nakapag salita. Damn it. I feel like this is still new to me. Hindi ako masanay sanay!


Bumuntong hininga ako at sinarado ang libro. Nilingon ko si Bella na kalalabas lang ng teresita ko. She raised an eyebrow when she saw me looking at her. She sat on the bed.


"You done?" She asked.


Tumango lang ako at hindi nagsalita. She had been peeking at my teresita and she definitely wanted to go out.


I sighed and stood up. Sinundan nya ako ng tingin nang naglakad ako papunta sa pinto.


"Where are you going?" Tanong nya.

"Outside," simple kong sagot, ayaw sabihin na pumapayag na ako na lumabas kami.


Hindi ko man nakita, alam kong nagulat sya.


"Really? Saan?" Sumunod sya agad.

"Sa labas nga," hinawakan ko ang door knob at nilingon sya.

She smirked. "Lalabas na tayo tulad ng gusto ko?"

"Lalabas tayo kasi gusto ko," pagtatama ko at lumabas na ng kwarto.


Mabilis syang sumunod sa akin. Nakangiti sya habang humahabol sa bilis ng lakad ko. Sinubukan nya akong pantayan at nang nagawa nya, nilingon ako. Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya.


"Saan tayo pupunta?" Excited nyang tanong.

"Kahit saan."

"You got bored on studying, noh? Sabi sayo boring iyon, eh!"

"Tss," ngumisi ako at hindi na nagsalita.


Excited na excited sya habang naglalakad. I could see that in her eyes. Sobrang lawak pa ng ngiti na para bang ngayon palang sya lalabas sa tanang buhay nya.


Sumakay kami sa kotse ko at pati sa pagkakabit ng seatbelt, tuwang tuwa sya. "Let's go!"


Ngumisi ako at pinaandar nalang ang kotse. Umiling ako. Umalis kami ng bahay kahit hindi ko pa talaga alam kung saan kami pupunta.


"I know a place! Doon tayo pumunta!" Anya.


Nilingon ko sya. Yeah right, she told me that this is her second time here in our world so of course she already knows some places here.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon