KABANATA 29

34 7 0
                                    

Kabanata 29


Promise


--


Gaya ng gusto ni Bella, nagswimming kami habang si Mama at Papa ay maagang gumising para bumisita ulit sa mga Valeria at iba pa niyang kaibigan na hindi niya napuntahan kahapon. Sinama nila ako pero tumanggi ako at hindi naman na nila ako pinilit. Si Bella rin ay hindi na ako pinilit pa.


"Alam mo nung unang kita ko sayo, akala ko mabait ka pero suplado pala," si Bella.


Nandito kami sa tubig. Marahan siyang umaatras habang naglalakad naman ako palapit. Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya at ngumisi.


"And then?"

"It's just my first impression of you. Mabait, maginoo, palangiti, pero... mali ako," mapait siyang umiling iling.

"But you liked me though," I smirked.


Namula ang pisngi niya pero inirapan ako. I chuckled. Nagpatuloy siya sa pag atras at ako naman sa paglapit. Nag iikutan lang kami. Ang araw na nasa harapan ng malaking dagat ay sinisilaw kami pero nanatili kaming ganon ang ayos, nag iikutan at tinitignan ang isa't isa.


"Ano pang mga nakita mo sa akin bukod roon?" Tanong ko.

"Mmm, you mean... mga bagay na akala ko ugali mo?" Sarkastiko niyang tanong.

Tumawa ako. "Sige. Tell me about it."

"Well... like what I said, I thought you're kind and gentleman. Pero nagkamali ako roon. Masungit ka, suplado at madaling magalit. I don't like that kind of man."


Bahagya akong ngumuso pero hindi nagsalita. Tinitigan ko lang siya.


"Ayaw ko sayo noon. Pero siguro nga ganon talaga. Kung ano pa ang mga ayaw mo sa isang tao, iyon pa ang mamahalin mo sa kanila."


Tumigil ako sa paghakbang at tinitigan siya ng mabuti. Huminto rin siya at bahagyang ngumisi pero kita ko ang sinsiredad sa mga mata.


"By the end of the time, true love will always win. Kahit hate na hate kita ng sobra, talagang mapapamahal pa rin ako sayo. I like your good side. But I love your bad side the most."


My heart ached for some reason. Ilang sandali kong tinitigan si Bella. Naramdaman ko ang sinsiredad niya. I felt her love. And I can't believe it. She loves me too. I don't think I can believe it right now! I feel like dreaming. Pero kung nananaginip lang ako, wag na sana akong magising.


"We both know our situation right now. We both know that we can't be together no matter how much we love each other. We're still young, but I know this love is real. I know your love for me is real, I trust you. Kaya ngayon... gusto kong sabihin sayo na tinatanggap ko na ang lahat. Ayokong mangyari ang bagay na ito pero hindi ko na rin kaya pang pigilan ang nararamdaman ko. Ayoko na ring nakikita kang nasasaktan."


Lumapit ako sa kanya. Nagtiim bagang ako at tinitigan siya ng mabuti, hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. Ngumiti siya kahit nangilid na ang luha sa mga mata. I caressed her face gently, titig na titig sa mga mata niya na para bang may hinahanap roon.


"Arthur, gusto kong malaman mo na mahal rin kita. Pinigilan ko pero walang nangyari. Lalo na nung inamin mo rin sa akin ang nararamdaman mo, mas lalo ko lang hindi napigilan ang sa akin."


She laughed a bit.


"Pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Mahal na mahal. I'm sorry for hurting you this past few days, akala ko kasi mapipigilan ko pa. Pero mukhang hindi na. Dahil pati ako, hindi ko na rin kaya..."


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon