Kabanata 17
Kind
--
"Arthur!" Pagpasok ko palang sa restaurant ay pagtawag na ng mga kaibigan ang narinig ko.
I smiled and nodded at them. Sinalubong nila ako ng apir at may nag abot pa agad sa akin ng maliit na baso na may lamang alak. Tumawa ako at tumango nang ayain nila sa lamesa.
The restaurant is big but it's not as formal as the other restaurants. Walang tao roon kundi kami kami lang. Nasa tatlong lamesa ang may tao at kahit hindi inasahan na ganito karami ang pupunta, tumango pa rin ako sa kanila nang binati nila ako.
Umupo ako sa kung nasaan sina James at Grace. Marami sila roon. May mga babae pero mas marami ang lalaki. I turned to Bella who's looking around the restaurant but still following me.
"Akala namin hindi ka na naman pupunta. Mabuti pumayag ka ngayon?" Si June, isa sa mga kaibigan.
"Oo nga. Palagi ka nalang wala sa tuwing nag gaganito kami," malambing na sinabi ng isang babae sa table.
"Arthur! Wala ka manlang kasamang babae?" Sigaw sa kabilang table.
Nagtawanan sila. Ngumisi ako at ininom nalang ang basong binigay. I turned to Bella who was now heading to the counter where the wines and a waiter are. Namamangha nyang pinagmasdan ang mga iyon.
"Walang balak mag girlfriend yan. He's not interested!" Sigaw ni James at humalakhak. Sumabay sa kanya ang mga nandoon.
Umiling nalang ako at ngumisi ulit. Kilala ko ang lahat ng nandoon pero hindi sa pangalan, sa mukha lang. Most are schoolmates and the rest are classmates and friends. Ang mga babae sa table namin ay mga kasama si Grace, her friends.
"Akala ko ba girlfriend nya yung nasa kabilang school? Who's that again?" Si June.
"Nathalie Ocampo! But he said she's not his girlfriend," nagkibit ng balikat si Grace.
"Oh? Bakit ang sabi pinagkakalat daw non na girlfriend mo sya?" Ngumisi ang isang babae na katabi ni Grace.
Hindi ako sumagot. I don't want to exaggerate this issue. Besides, I don't have to explain. And I really don't want to talk about it anymore dahil baka kung ano ang mangyari kay Nathalie. I know how people think here. Even though Nathalie spread false news about me, even though I was very annoyed, I was still worried she might be bullied at their school when everyone found out that she's just lying. After all, she's still the daughter of my parents' friend.
Bumalik si Bella sa tabi ko at pinagmasdan ang mga inumin sa table. May pagkain rin roon na alam kong gusto nya lalo na at gulay. She's on a diet. Diet? Well, whatever.
"Mukhang hindi mo ako mabibigyan ng pagkain dahil ang daming tao rito. Bigyan mo nalang ako ng maiinom," ngumiti si Bella, tinutukoy ang alak.
I looked at her darkly. She pouted when she saw my expression. Inirapan nya ako at nagtungo nalang sa counter at umupo sa high chair. I looked at the waiter there who didn't notice the slight movement of the chair dahil sa pag upo ni Bella.
"Bakit ayaw mo bang mag girlfriend, Arthur? Nandito naman ako. Aalagaan kita," the girl on Grace's side said shamelessly.
"Whoo!" Ungulan ng mga kasamahan sa table at nanukso.
Hindi ako nagsalita. Napatingin ako kay Bella na kumunot ang noo sa table namin, siguradong narinig nya ang sinabi ng babae. Pero mabilis lang rin syang nag iwas ng tingin at inabala ang sarili sa pagtingin tingin sa mga inumin roon.
BINABASA MO ANG
Magical Love (Book One)
Fantasy[COMPLETED] "Dalawang mundo, iisang pag ibig. Dalawang tao, mahiwagang pag ibig..." -- Date started: February 6 2021 Date finished: March 20 2021 -- Jhelly_star