KABANATA 22

31 7 0
                                    

Kabanata 22


Hurt


--


Tatlong oras akong nandoon sa lugar kung saan naglaho si Bella. I walk back and forth and wait like a fool for her to return. Pero hindi siya bumalik. Kahit isang anino niya hindi ko na nakita. Para akong mababaliw sa mga oras na iyon.


I went home but even in my room, she wasn't there. She wasn't in any corner of the house even in Wynter's room. I don't know what to do. Anger was building in my heart but the fear was still there. Takot na baka... hindi na siya bumalik.


Alam ko na ito, eh. Alam ko nang iiwas siya sa oras na malaman ang nararamdaman ko. Bakit ba hindi ako nag ingat? Bakit ba ganon nalang ang sinabi ko? Nakalimutan ko na playgirl nga pala siya sa libro at magaling kumilatis ng mga lalaki. I'm so stupid.


Ano nang gagawin ko nito? Saan ko siya hahanapin? Hindi ako alam kung makakatulog ba ako pero sa tingin ko hindi. Hindi ako makakatulog sa gabing ito sigurado ako roon. Hindi ako makakatulog hanggat wala si Bella. Mababaliw ako sa pag aalala dahil baka kung anong mangyari sa kanya.


Where did she go? She has no other place to stay but here with me. Where will she sleep? Hindi ba pwedeng palipasin niya muna ang isang gabi at bukas nalang siya umalis? O mas magandang pag usapan namin ito ng maayos. Hindi yung aalis siya na para bang tinatakbuhan ang nararamdaman ko. Wala kaming maaayos kung tatakbo siya ng ganito.


Bella... Please come home. Please come home, baby. I'm sorry. I won't do that again, I promise. Just come home. It's dangerous outside. If you want you can ignore me. Just stay by my side. Please...


Sa sobrang pagod at siguro kaunting kalasingan na rin sa kaunting nainom ko kagabi ay nakatulog ako sa study table ko nang nakadukmo. Mabilis akong bumangon at niligid ang mga mata sa buong paligid. Pero parang may bumagsak sa akin nang nakitang wala pa rin roon si Bella. Wala pa rin siya kahit saan.


I took a quick shower and got ready to leave. I went down and passed the kitchen, with no intention of eating or anything. I'm not hungry. I want to find Bella first. Mababaliw ako.


"Anak, saan ka pupunta?" Nakita ko sa sala si Mama.

"Just somewhere," sabi ko at lumapit sa kanya para mahalikan siya sa pisngi. "Mauna na po ako."

"H-Ha? Anak--"


I left the house and didn't wait for her to say anything else. Pinatunog ko ang kotse ko at sumakay agad roon. Umalis ako roon kahit hindi alam kung saan pupuntahan si Bella. Pero gusto kong subukan. Gusto ko siyang hanapin. Baka sa mga paborito niyang lugar ay nandoon siya.


Pumunta ako sa bundok kung saan kami unang pumunta noon. Pero nalibot ko na yata ang buong lugar pero hindi ko pa rin siya nahahanap. Sa kahit saan sulok roon ay hindi ko siya mahanap.


I went back to my car and thought of places where she could go.


Marami siyang lugar na gusto. May mga park, restaurants at kung saan saan pa. Lahat iyon ay pinuntahan ko sa pagbabaka sakaling nandoon si Bella pero... wala. Sa mga park man o sa mga restaurant, wala. Kahit anino niya hindi ko nakita.


I’m starting to get frustrated. I went back home because she might have come home but still. Still nothing. Umalis na sina Mama at Papa at hindi ko alam na ganon pala ako katagal naghahanap sa kanya. I spent almost four hours looking for her. But those four hours were worthless because I still couldn’t find her!


Nasaan ka na, Bella? Please go home. Don't make me worry like this. Mababaliw ako.


And then I remember her story about her sister. Nakapatong ang mga kamay ko sa study table ko habang bahagyang nakayuko at iniisip ang ate na tinutukoy niyang nakakakita rin sa kanya.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon