KABANATA 16

33 6 0
                                    

Kabanata 16


Smile


--


Mga araw pa ang lumipas bago dumating ang halloween day. Sa totoo lang para sa akin wala lang ang araw na iyon. But I don't know why James still has to celebrate it. O baka naman gusto lang nilang mag inuman? Napailing ako.


Hindi namin binibisita si Wynter kapag ganitong araw. Ayaw ni Mama ng ganon. Gusto nya sa birthday lang ni Wynter namin sya sya binibisita. O kali man kapag birthday naming lahat. Pakiramdam nya daw kasi sine-celebrate namin ang pagkamatay nya kapag ganon.


"Oh my gosh! I'm excited!" Si Bella nang nakabalik sa kwarto, nakapag bihis na sya.


Nilingon ko sya. She's wearing a black dress, my sister's dress again. Her hair is also in order and she's even wearing heels that are not that high. She also has make up on her face as if she really prepared for this.


She's again beautiful. Lahat nalang talaga ng damit ay bagay sa kanya. Mabuti nalang hindi pa tinatapon ni Mama ang mga damit ni Wynter.


"Saan mo nilalagay ang mga nasuot mo nang damit ng kapatid ko?" Tanong ko.

"Binabalik ko sa walk in closet nya. Hindi naman ako mabaho kaya ayos lang iyon, noh. Besides, your mother also visits there every night so she might notice that Wynter's clothes are missing."


Nilingon ko ulit sya, nakakunot ang noo at bahagyang nagulat.


"How did you know her name?"


She stopped walking towards my bed and looked at me. She was obviously surprised by my question. Napakurap kurap sya bago nagsalita na para bang biglang nataranta.


"U-Uh... narinig ko sa Mama at Papa mo! S-Sorry. Galit ka ba?" She looked at me worriedly. But I can see the little nervousness on her eyes.

"No. I'm just shocked that you knew the... name of my sister," tinitigan ko sya.

She laughed. "Paano ko naman malalaman ang pangalan ng kapatid mo? I just heard it from your Mom and Dad."


Tumango ako at hindi na nagsalita. Nagpatuloy ako sa pag aayos ng mga gamit ko. Pero hindi nawala sa isip ko iyon hanggang sa nakasakay kami sa kotse.


"Ang gwapo mo ngayon, ah! Mahilig ka ba sa mga damit?" Tanong ni Bella habang nasa sasakyan.

"No..." tanging nasagot ko.

"Eh, ano palang hilig mo? You know gusto ko ring malaman ang mga bagay tungkol sayo."

Nilingon ko sya. Nawala ang iniisip ko kani kanina lang. "Bakit? Are you interested with me now?" I smirked.

"Hindi, ah! Sabi ko gusto ko lang malaman ang mga bagay tungkol sayo. Kahit kaunti lang! Tss. Hindi naman tayo pwedeng magsama na walang alam sa isa't isa," inirapan nya ako.

I chuckled and looked back at the road. "Ikaw nga walang sinasabi sa akin."

"What? Meron na kaya! Ang dami ko na kayang sinabi sayo! Halos buong katauhan ko nga sinabi ko na sayo. Pati doon sa kung saan ako nanggaling!"

"Hmm. Hindi pa sapat iyon."

"Then what else do you want to know? Wag lang yung sa mga bawal kong sabihin sayo, ah! Hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo iyon."


Tumango ako at nag isip ng maitatanong. Medyo malayo pa kami sa restaurant ng tito ni James kaya mabuting mag usap na muna.


"Your favorite food?"

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon