KABANATA 14

32 7 0
                                    

Kabanata 14


Live


--


"Why did you leave her there?" Si Mama nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ko.


I sighed. Alam ko na agad ang sinasabi nya.


"Son, I know you don't like her but it's wrong that you just left her there," nanghihinayang na sambit nya.

"Nagpaalam ako sa kanya ng maayos, Mama. Tsaka may gagawin rin ako."

"Kahit na. Hindi naman sya ganon katagal kakain. Sasamahan mo lang naman. Ngayon umiiyak sya sa baba. Gusto na tuloy umuwi ng tita mo."

"Then let them go. I have so many important things to do, Mama."

"Bennette Arthur," nagbabawal ang tinig nya.


Hindi na ako sumagot at bumuntong hininga nalang ulit. Naramdaman ko si Bella sa likuran ko.


"You should say sorry to Nathalie. She's crying downstairs!"

"Why should I say sorry, Mama? I said goodbye to her politely in the kitchen."

Hinampas ako ni Bella sa braso. "Ano ka ba. Sumunod ka nalang. Sabi sayo iiyak yon, eh."

"Even so. She's crying downstairs! Hindi masamang mag-sorry, anak."

"Pero wala naman akong kasalanan, Mama," kumunot na ang noo ko.


Pagod syang bumuntong hininga. Hinampas ulit ako ni Bella sa braso kaya napatingin na ako sa kanya.


"Sige na! Sundin mo nalang ang Mama mo. Just say sorry tapos tapos na! Pinapahaba mo pa, eh..."


I tsked. Nilingon ko si Mama na pagod pa ring nakatingin sa akin. I sighed.


"Fine. I'll say sorry to her," sabi ko at nauna nang bumaba.


Sumunod sya sa akin at ganon rin si Bella. Hindi ko alam kung bakit ako hihingi ng pasensya sa kanya. Nagpaalam ako sa kanya ng maayos kanina. Maayos ko rin syang kinausap. Bakit sya umiiyak?


"I'm sorry for making your daughter cry. I didn't mean to do that," sambit ko nang nakababa.

"It's okay, Arthur. My daughter is just really emotional," si tito Angelo.


Nathalie was in tita Miranda's arms. She's crying. I don't know why she's crying. May ginawa ba ako? Sa pagkaka alam ko maayos naman ang pakikitungo ko sa kanya kanina.


"It's fine, Arthur," bahagyang ngumiti si tita Miranda at nagpaalam nang umalis.


Hindi na ako tinignan ni Nathalie. Kumapit lang sya sa kanyang ina habang humihikbi pa rin. Salamat naman dahil hindi na nya ako kinausap. Ayoko nang pahabain pa itong nangyayari.


Bumuntong hininga si Mama at Papa nang naka alis ang mga Ocampo. I crossed my arms and raised an eyebrow. I didn't do anything. Maybe Nathalie is just really too emotional.


"Nathalie is a very sensitive girl. You shouldn't have did that," si Mama.

"Well, I didn't know," nagkibit ako ng balikat at naglakad na pabalik sa itaas.


Wala silang nagawa kundi ang panoorin ako. Narinig ko pa si Papa na sinabi kay Mama na hayaan nalang ako. Hindi na ako bata para pakialamanan pa nila. I don't like that girl and they should understand that. I want to be polite but it's just really annoying me.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon