KABANATA 30

57 8 0
                                    

Kabanata 30


Magical


--


Pagkadilat ko palang sa mga mata ko, napabalikwas agad ako ng bangon. Nagpalinga linga ako sa paligid, sa sofa, sa study table ko, sa teresita ko, sa pinto ng walk in closet ko. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa walk in closet ko papasok sa banyo pero walang tao roon. I hurried out and went to my teresita but no one was there, only the white curtain was there blown by the morning wind.


I was breathing fast while still looking in any corner of my room. My jaw tightened and I walked towards my bed. Galit at sakit ang naramdaman ko nang napagtantong wala na si Bella rito. Kahit anino niya, wala na.


Sa kaligtaan ng nag uumapaw na galit at tensyon, hindi ko inaasahan na manlalabo ang mga mata ko. Kinuyom ko ang aking kamao at napaupo sa kama. Hinilamos ko ang dalawang palad sa mukha at pinanatili ang isa sa panga ko malapit sa bibig pagkatapos.


Anong nangyari kagabi? Bakit bigla akong nakatulog? Bakit bigla nalang akong nawalan ng malay? Nasaan na si Bella? Hindi siya pwedeng mawala!


Muli kong hinilamos ang mukha pero natigil nang namataan ko ang study table ko. I remember her words.


"I left a letter. Basahin mo iyon bukas pagkagising mo..."


I quickly stood up and walked over to my study table. Of the many books, notebooks, ballpen and pencil out there, a white paper immediately caught my attention. Nilingon ko ang kabilang gilid at parang may gumuho sa puso ko nang nakitang wala na roon ang aklat ni Bella. Ang aklat kung saan siya nanggaling.


Nanginginig ang kamay kong kinuha ang letter na nasa maayos na tupi. I sat down in front of my study table and opened the letter. Isang malalim na hininga ang ginawa ko bago binasa ang nakasulat roon. My hand was still shaking while holding the paper but I was still able to read it properly.


Hi, Arthur! This is Bella. Ngayong binabasa mo na ito, siguradong wala na ako. I'm sorry. Alam kong mahirap para sayo ito pero sana balang araw matanggap mo na wala na talaga ako. I hope one day you will be happy again. And I hope that one day you will meet the woman who will truly love you and will never leave you.

Sinulat ko ito dahil gusto kong malaman mo ang buong katotohanan. Ngayong wala na ako, pwede mo nang malaman ang lahat.

When I first came here on earth, I met a girl, isang babae ang sumama sa akin sa lahat ng gusto kong gawin rito sa mundo, at isang babaeng pinaramdam sa akin na kahit saglit lang, tao ako. She was my first mission. She was kind, cheerful, sweet and always smiling. And since it's my first time, of course I don't know much about the world. But she taught me things here. She accompanied me to everything. At napagtanto ko na hindi naman pala ganon kaiba ang mundo namin sainyo.

There's only one difference, we are in control while you are free.

Do you want to know who she is? Siguradong magugulat ka. I also couldn't tell you this before so I'm sorry. Pero ngayon sasabihin ko na. Her name was Wynter. Wynter Margarette Buenavista.

Siguro nagulat ka, noh? I also have no choice but to lie to you because that's one of our rules, ang wag sabihin kung sino na ang mga naging misyon namin. I've known her for a long time, I just lied to you. She was my friend, my sister, my family. But it was so painful for me because she disappeared without me being able to do anything.

I'm sorry, Arthur. I failed to protect her. I failed to save her. Tulad mo, sinisi ko rin ang sarili ko noon. Dahil nandoon lang ako, halos malapit lang sa kanya, pero hindi ko siya nagawang iligtas. So I blamed myself. I got angry with myself.

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon