KABANATA 9

43 7 0
                                    

Kabanata 9


Death


--


"Arthur!"


Umagang umaga boses na naman ni Bella ang naririnig ko. Bumangon ako at dinilat ang isang mata. I saw her standing near my bed and with a sweet smile on her face. I looked at her from head to toe. She was wearing a yellow dress, it was my sister's dress.


"What?"


She's not angry anymore? Oh, well, I don't care if she's still angry or not. I should just mind my own business. But she looks in a good mood now. Hindi na galit o mataray.


"Isn't it Saturday today? We talked about always going out on Saturdays! Kaya tumayo ka na dyan!"

"Anong oras palang. Sa tingin mo may mapupuntahan na tayo sa ganitong oras?"

Ngumuso sya. "Nagugutom na rin kasi ako. Ang aga ko kayang natulog kagabi kaya maaga rin akong nagising ngayon. Kuha mo na akong pagkain sa baba," matamis ulit syang ngumiti.


I stared at her for a moment. She's not really angry anymore. Well, mabuti naman kung ganon. Akala ko hindi na nya ako papansinin sa buong misyon nya rito. Not that I care if she would ignore me. I shouldn't care.


"Nagluluto na ang Mommy mo sa baba. Mukhang masarap ang niluluto nya. At mukhang hindi sya sasama ngayon sa Daddy mo!"


Oh? Tumayo ako at ginulo ang buhok. Naghikab pa ako ng isang beses at bahagyang kinusot ang mga mata. Pagkatapos noon ay tinignan ko si Bella. Nakatitig sya sa akin at bahagyang naka awang ang bibig. Nang nakitang nakatingin ako ay para syang nagising sa katotohanan at agad nag iwas ng tingin.


"Magbibihis lang ako."

"Oh, s-sure! Sure! Maligo ka na," hindi sya makatingin.


Kumunot ang noo ko at ilang sandali pa syang tinitigan sa pagtataka pero pumasok na rin sa banyo para makapag ayos na.


Ang bilis mawala ng galit nya, huh? Does that mean she's accepting my apology last night? Mabuti naman dahil ayoko ng away lalo na at nakatira sya rito sa bahay. Natutulog pa sa loob ng kwarto ko.


"Anak! Good morning!" My mother greeted me with a smile.


Hindi sya nakabihis ngayon at sya ang nagluluto ng agahan. Mukhang tama si Bella na hindi sasama ngayon si Mama kay Papa.


"I cooked breakfast. Your father left early today. He said he needs to be in the office early. I didn't go with him because I wanted to rest here at home. May gagawin ka ba ngayon?"


Tumingin ako kay Bella na mangha nang nakatingin sa pagkain. Gutom na naman.


"Gusto ko lang sanang magpatulong sa pag aayos sa hardin, anak. Are you going somewhere today?"


Binalik ko ang tingin kay Mama. Sasagot na sana ako nang magsalita si Bella.


"Wala! Sabihin mo wala! Bukas nalang tayo lumabas," lumapit sya sa akin. "Go bond with your Mom!"


Ilang sandali ko syang tinignan bago tumingin ulit kay Mama na umaasa. Tumango ako at umupo na sa hapag.


"Wala naman akong gagawin ngayon, Ma..."

Napangiti sya. "That's good! Can you help me in the garden, then?"

"Ipagawa nyo nalang sa mga trabahador iyon, Mama. You should rest."

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon