KABANATA 15

36 6 0
                                    

Kabanata 15


Special


--


Hindi natapos sa paglalakad si Bella. Hinayaan ko lang sya. Manghang mangha sya sa mga nakikita nya kaya pinagbigyan ko na. Hindi sya nagsasabi ng mga gusto nya pero alam kong lahat ng nakikita nya, gusto nyang bilhin.


"Nagugutom na ako," ngumuso sya sa akin at humawak pa sa tyan.


Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay sa kanya. Palagi nalang gutom. Akala ko ba diet sya? Palagi nalang nagpapabili ng pagkain.


Nasa escalator kami at wala namang tao sa tabi namin kaya nakakausap ko sya ng malaya.


"What do you want?" Tanong ko.

Nagliwanag ang kanyang mukha. "You'll buy me foods?"

"You said you're hungry?"

"Talaga? Talaga ba, Arthur? Talaga bang hindi ka na kuripot?"


Kuripot? I glared at her. She laughed as if that was exactly what she wanted my expression to be.


"Do you want to eat or not?" Banta ko.

"Just kidding! Chill! Syempre kakain ako," she smiled sweetly, pampalubag loob sa pang iinis nya.

"Tss..." nauna na akong naglakad nang makababa.


She followed me with a smile on her face. She was watching me but I didn't look at her. Suplado lang akong naglalakad at nakahalukipkip.


"What do you want to eat?" Tanong ko ulit.

"Hamburger! I'm on a diet but I want to eat that. Minsan lang naman, eh..." bumungisngis sya.

"Tss. Is that a diet?"


Matalim nya akong tinignan. Ako naman ngayon ang ngumisi at nagpatuloy na sa paglalakad.


I bought her the food she wanted. She had fun eating it. I just watched her as she does that. Nitong mga nakaraang araw medyo napapadalas na ang pagtitig ko sa kanya. I want to think about it but my mind seems to be avoiding it spontaneously. Hindi ko malaman kung tatanggapin ko ba o hahayaan nalang. Pero mas pinili ko nalang hayaan. Baka kung ano pa ang pumasok sa isip ko kapag inisip kong mabuti ang... mga kakaiba kong gawi nitong mga nakaraang araw.


"Are you coming?" Nakangising tanong ni James pagkatapos akong akbayan.


I removed his arm from my shoulder. Tumawa sya sa pagsusuplado ko. Si Grace is busy eating and looking at her phone, just letting the two of us talk. Nandito kami ngayon sa cafeteria. It's been weeks now and the halloween day is coming.


"Coming where?" Punong puno ng pagkain ang bibig ni Bella nang itanong iyon.


Sumulyap ako sa kanya pero hindi sumagot. Binalik ko ang tingin kay James. Bumalik sya sa tabi ni Grace.


"I'm not."

"What? Why? Are you going to do something?"


Umiling ako.


"Eh, ano? Mag aaral lang sa bahay nyo? Come on, man! Minsan na nga lang sumama sa mga party, eh. Sumama ka na."

"Wag mo nang pilitin kung ayaw, James," si Grace na nanatili ang mga mata sa cellphone.

"Party? For what?" Tanong muli ni Bella.

"I don't want to," sambit ko.

"Ang kj talaga nito. Bahala ka. Madaming girls roon," si James na para bang mapapapayag nya ako dahil lang don.

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon