Kabanata 10
Kulit
--
"Paano mo nasabi yan? At paano mo nalaman yan?" Tanong ko.
Nagkibit sya ng balikat. "Narinig ko kayo. At mukhang nasasaktan ka kaya naisip kong sabihin iyon sayo."
"How sure are you that she's not blaming me?"
"Dahil mukha naman syang mabait sa mga pictures na nakita ko..." she said as if it will convince me.
Nag iwas ako ng tingin at hindi na nagsalita. Nagpatuloy nalang ako sa pagdidilig. What a ridiculous sentence. No one knows what Wynter was thinking after that accident. Pati sya, walang alam.
"Arthur? Sinong kausap mo dyan?" Si Mama.
Napatingin ako sa kanya na nasa malapit lang pala. Bahagya akong natigilan pero umiling lang sa kanya. She nodded slowly and didn't make it a big deal. She continued what she was doing.
I finished watering and I helped my mother with her pots. Tinuro nya sa akin kung saan nya gustong ilagay ang mga iyon. Sinunod ko lang sya habang natatanaw ko sa may puno si Bella. Tahimik nya akong pinagmamasdan at alam kong seryoso sya pero ngumingiti kapag napapatingin ako.
Natapos kami ni Mama at pagod na pagod sya. Umupo kami sa lamesang nandoon at nagdala naman ng mga meryenda ang mga kasambahay sa amin.
"I hope Wynter is happy wherever she is right now. I hope she's having a good life," my mother said.
I'm sure she's living a good life right now. I'm sure she's happy. Sana rin mapatawad nya ako sa nagawa kong kasalanan noon. Hindi ko manlang sya nailigtas.
Inabot na kami ng tanghali roon kaya kumain na kami ng tanghalian. Matutulog daw muna si Mama dahil pagod na pagod sya. Nanatili naman ako sa kwarto ko para sana mag aral pero kinakausap na naman ako ni Bella.
"Are you mad? I'm sorry, okay? I didn't mean to hear what you were talking about. I thought you would feel better when I said that so I said it. Pero sorry kasi hindi pala nakatulong..."
Inaamin ko na kahit papaano umasa ako sa sinabi nya. Na sana nga hindi ako sinisisi ni Wynter sa pagkamatay nya. Na sana pinatawad na nya ako. Pero kahit naman si Bella, walang alam.
"Sorry na, Arthur..." ngumuso sya, nagpapa awa.
"That's fine. Matulog ka nalang. Mag aaral ako rito."
Umirap sya at umupo sa kama ko. "Mag aaral na naman? Hindi ka ba nagsasawa dyan?"
"Alam mo, bad influence ka. Hindi na ako makapag aral ng maayos dahil sayo."
"Oh, talaga ba? Kaya pala ang tataas ng grades mo, noh? Kasi hindi ka lang nag aaral, nag e-enjoy ka pa!"
I smirked at that. Tama naman sya. Kahit papaano nakatulong ang palagi kong paglabas labas. Pero kailangan ko pa ring mag aral!
"Bahala ka nga. Can I use your cellphone nalang?"
"No," mabilis kong sinabi at tumingin sa libro ko.
She groaned. "I just want to play games! Wala akong magawa rito!"
"Sleep."
"Katutulog ko lang!"
"Kanina ka pa gising. You woke up early, right?"
"Kahit na. Arthur! Please?" She made a cute face.
BINABASA MO ANG
Magical Love (Book One)
Fantasy[COMPLETED] "Dalawang mundo, iisang pag ibig. Dalawang tao, mahiwagang pag ibig..." -- Date started: February 6 2021 Date finished: March 20 2021 -- Jhelly_star