KABANATA 24

24 8 0
                                    

Kabanata 24


Avoid


--


I don’t know how Bella did it but she cooked me hot soup. I remember me doing this to her because she was always drunk. Ngayon baliktad naman kami. Siya naman ang nagluto para sa akin.


I watched her as she mixed the steaming soup in the bowl. Hindi ko alam kung paano siya lihim na nagluto pero bilib ako sa kanya. At hindi ko alam pero mas lalo pa yata akong humahanga.


"Ubusin mo ito tapos uminom ka ng gamot. Sigurado akong mawawala ang sakit ng ulo mo," malamig niyang sinabi.


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pagpatak ng kanyang luha kanina. Mabilis na siyang umalis para magluto kaya hindi ko na napuna. At ngayong nandito na siya, natatakot naman ako dahil baka bigla na naman siyang umiwas. Kaya hindi ko nalang binanggit pa iyon.


"Tapos magpahinga ka na..." dagdag niya.


Tumango ako. My head still hurts so bad I know I really need it. Hindi ko rin kasi alam kung madadaan ko ito sa tulog. Sa sobrang sakit, baka hindi lang ako makatulog.


Bella slowly handed me the bowl. Marahan ko ring kinuha iyon. Nagtama ang mga daliri namin. Mabilis niyang tinanggal ang kamay niya na ba para bang napaso siya. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag iwas siya ng tingin at naglakad papunta sa kanyang sofa.


"Kumain ka na," anya habang hindi ako tinitignan.


I sighed heavily and started eating. Unang higop ko palang sa sabaw ay nalasahan ko na agad ang sarap. Gusto kong mangiti. I didn’t know she could cook like this.


We were quiet in the room until I finished eating. Naubos ko ang soup dahil masarap talaga. I want to ask her to cook for me again but she might get mad at me.


Hindi na kami nag usap. Ininom ko ang gamot na nakalagay sa side table ko at pagkatapos noon ay nilingon ko si Bella. Pinapanood niya ako pero agad siyang nag iwas ng tingin nang tumingin ako.


"Paano ka nakapag luto?" Tanong ko.

"I locked the door of the kitchen," tipid niyang sagot.


Tumango tango ako at tumayo na para ibalik ang bowl. Tumayo rin siya at lumapit sa akin dahilan ng pagbaling ko sa kanya.


"Ako na ang magbabalik niyan. Magpahinga ka na," anya.


I clenched my jaw. She tried to take the bowl from me but I avoided it from her. Nakita ko ang pagdaan ng iritasyon sa kanyang mukha. Tumingin siya sa akin.


"Ako na ang magbabalik, Arthur," ulit niya.


I saw concern in her eyes earlier. She's worried about me. She's worried because I got drunk. She cooked me soup and bought me medicine for my headache. Now she wants me to rest. Ayokong mag assume kaya lang nakita ko talaga ang pagtulo ng luha niya kanina. Lasing ako pero malinaw pa rin ang mga mata ko. Alam ko kung ano ang nakita ko at alam kong naging apektado rin siya sa mga sinabi ko. At ngayong nag aalala siya sa akin, parang alam ko na kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.


"Can we talk?" mariin kong tanong.


Nag angat siya ng tingin sa akin. Kita ko pa rin ang iritasyon pero mabilis siyang nag iwas ng tingin. She bit her other lower lip and took a deep breath. Then she turned her gaze back to me.


"Ano na naman gusto mong pag usapan?" Matapang niyang tanong.

"About how you feel for me," deretso kong sambit.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon