KABANATA 18

39 7 0
                                    

Kabanata 18


Type


--


Kagaya nung nakaraan, inuwi ko nang lasing si Bella sa bahay. Sa kama ko ulit sya pinahiga dahil kawawa naman kung sa sofa pa, baka mahulog. Nakapikit na sya at hindi na kinaya ang kalasingan kaya bagsak na bagsak sya sa kama ko. Naghihilik na rin. Halos mapailing ako.


Tinanggal ko ang sapatos na suot nya at tinabi iyon sa may ibaba kama. Gusto ko man syang pagpalitin ng mas komportableng damit, alam kong hindi ko na sya magigising ngayong ganito ang ayos nya. Lasing na lasing na sya at alam kong hindi na sya maiistorbo pa.


Kagaya rin ng dati kong ginawa noon, naligo ako at sa sofa nahiga. Wala akong balak tumabi sa kanya dahil baka sabihan nya pa ako ng manyak o kung ano ano. At may respeto naman ako sa mga babae kahit papaano. Napaka dumi talaga nyang mag isip. Akala mo naman pag iinteresan ko ang katawan nya. Even though she's beautiful and has a good body, I'm still not interested in her.


Sarado na ang bintana at teresita ko. The light is also off and the only light in my room is the moon visible in the window of my study table.


Hinayaan ako nila James na umalis kanina. Sanay na sila sa akin. Alam nilang hindi ako mahilig sa pagpa-party at kung ano ano pang ginagawa nila. Nakangisi pa sa akin si James na para bang may nalaman syang pinakatatago kong sikreto. I know he was thinking about what I said to that girl earlier.


I already has my eyes for someone... That's true. I will not deny that. But I have no intention of focusing on that matter because my priority right now is my education and my desire to be an architect. That’s all that’s more important to me.


I don't feel that deeply for Bella, I know that. Kaya kampante ako. For me it's normal to like someone. Attraction. Crush. At alam kong mawawala rin agad iyon kalaunan. It's just an experience.


Well... I guess?


Tss. Whatever.


Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi na nag isip pa. Baka mamaya kung saan pa pumunta itong mga naiisip ko. Mas mabuting hayaan nalang kesa isipin. Siguradong magugulo lang ang utak ko.


Kinabukasan ay maaga akong gumising para ipagluto ng soup si Bella. Siguradong masakit na naman ang ulo nya pagkagising. Inakala na naman tuloy ni Mama na naglasing ako masyado kagabi. Akala nya ako ang masakit ang ulo.


"I heard you're getting along with Nathalie very well?" Si Papa sa hapag.


Hindi ako nagsalita. Hindi na ako nagulat na nakarating na agad sa kanila ang isang balita na pinapakalat ngayon ni Nathalie. Ang balitang wala namang katotohanan.


"I thought you don't like her?" Si Papa ulit.


But I have no intention of telling them that Nathalie is just lying. Not to cover her up but to stop them from interfering. I don't want this issue to get any worse. Gusto ko nalang hayaan hanggang sa matahimik. Ayoko ng magulong buhay.


"I don't want to talk about this here, Papa," seryoso kong sinabi at tinignan sila ni Mama.


My father smirked and just nodded. My mother sighed and didn't speak either. Tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa natapos at nagpaalam na silang papasok na sa trabaho. Mother will accompany my father again. Sabado ngayon.


"Arthur..." I heard Bella's soft voice.


Napalingon ako sa pinto ng kusina at nakita roon si Bella na kapapasok palang. Halatang kagigising nya lang pero bahagya nang nakapag ayos ng sarili. Hinihilot nya ang kanyang sintido at alam ko na agad ang problema nya.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon