Kabanata 8
Sorry
--
"Hey! Why are you so mad?" Si Bella habang hinahabol ang mabilis kong paglalakad.
Hindi ako sumagot. Maski ako hindi ko rin alam kung bakit ako iritadong iritado. I tried to calm myself down but I just couldn't. I crossed my arms and took a deep breath.
"May kailangan ka ba sa akin kanina? Sorry. Nanonood kasi ako ng practice. Ano ba ang kailangan mo?" She asked.
Hindi ako sumagot. Dahil wala naman akong kailangan sa kanya! Hindi ko lang maintindihan kung bakit galit na galit ako.
"Huy! Sorry na! Sa susunod titingnan ko na ang oras. Hindi na ako male-late kaya kapag may kailangan ka, nandoon ako," she smiled sweetly.
Tss. That's not even the point here. But I also don't know what really the point is. This is so frustrating. What the hell, Arthur? Why are you so irritated?
"I'll make it up to you! What do you want? Do you want me to cook for you? Ipaglaba kita? Gusto mo ako na gumawa ng mga assignments or projects mo. Basta may kapalit, ah! Ibibili mo ako ng mga make ups!"
Wow. Talagang may kapalit pa? I really can't believe this. Kunot noo kong tinignan ang nilalakaran namin hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Dinadala ko na ngayon ang sasakyan dahil gusto ko na agad makauwi para makapag aral. Lalo na dahil malapit na ang exam.
Nang makapag seatbelt si Bella ay pinaandar ko na ang kotse. I was still silent and still couldn't understand myself. Ramdam ko naman ang titig ni Bella sa akin pero hindi ko sya nililingon. I kept my eyes on the road.
"What the hell is your problem? Ano ba kasi ang kailangan mo kanina? Gagawin ko ngayon!" She said.
Tss. Wag na. Tsaka wala rin naman akong kailangan.
"Arthur! Magsalita ka naman! Bahala ka, hindi kita papansinin!"
Ha! Sinong tinakot nya? Edi wag nya akong pansinin! I don't need her attention anyway.
"Sabado bukas. Lalabas ba ulit tayo?" Excited nyang tanong.
Hindi pa rin ako sumagot.
"Arthur! Ano ba! Ano bang problema mo?" Naiinis na rin sya ngayon.
I sighed. Ano nga bang problema mo, Arthur? Why are you suddenly so irritated? Wala naman syang ginagawa, diba? Na-late lang sya ng punta sayo at dapat nga wala kang pakialam roon. Dapat nga iniwan mo nalang sya. Pero bakit pinuntahan mo pa talaga sya roon at naiinis ka pa ng ganyan? Anong problema mo?
"Are you really not going to talk to me?" She asked while raising an eyebrow. Nakahalukipkip pa na para bang sya na ang iritado ngayon.
"We don't need to talk all the time," malamig kong sinabi.
"But you are my mission so obviously, we need to talk!"
Okay, calm down, Arthur. Why are you being like that? She's not doing anything, alright? Don't be so mad. If she likes those basketball players, you shouldn't care!
"Sorry. Masakit lang ang ulo ko," sabi ko at hindi na nagsalita pa ulit.
I heard her sighed. "So masakit lang ang ulo mo kaya galit ka sa akin? Sa akin mo binubuntong yang iritasyon mo?"
Whoa. Sya na ang galit ngayon?
"I said I'm sorry, okay?"
"Whoa!" Padabog syang sumandal sa upuan at humalukipkip. "Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang pinili ng anghel. Obviously, hindi ganon kabait ang ugali mo!"
BINABASA MO ANG
Magical Love (Book One)
Fantasy[COMPLETED] "Dalawang mundo, iisang pag ibig. Dalawang tao, mahiwagang pag ibig..." -- Date started: February 6 2021 Date finished: March 20 2021 -- Jhelly_star