KABANATA 21

28 7 0
                                    

Kabanata 21


Gone


--


Umuwi kami sa bahay nang tahimik. Hindi siya nagsasalita at ganon rin ako. I also didn't know what to say and I was too angry to speak. I could feel her always glancing at me while we were in the car.


"Arthur..." she finally spoke when we got in my room.


Nilingon ko siya. Guilty ang kanyang mukha pero nakikita ko ang pagpipigil at pag aalinlangan. Magkakahalo ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya at hindi ko makuha kung bakit ganon ang mga nararamdaman niya.


"I-I'm sorry..." she whispered.


Sa sobrang tahimik sa buong kwarto ko ay narinig ko pa rin ang napaka hina niyang bulong. I nodded and removed my watch.


"It's fine..."

"N-Naalala mo ba yung kapatid m-mo?" Nag aalangan niyang tanong.


Natigil ako at napatingin sa kanya. Agad siyang nataranta at mabilis na nagsalita. Nakita ko ang pagkinang ng mga mata niya at napagtanto kong mga luha iyon.


"I'm sorry. N-Nag red na kasi ang light tapos excited akong makainom ulit ng milktea kaya tumakbo agad ako. Hindi ko alam na ganon ang mangyayari. Hindi ko sinasadya na... ipaalala sayo ang nangyari noon sa kapatid mo..."


Oo, naalala ko. Pero hindi naman iyon ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito. I was so worried and scared. Akala ko kung ano na ang mangyayari sa kanya kanina. It always comes to my mind that what if I’m not there? What if I didn’t pull her right away? I feel like I would go crazy thinking about the possibilities that would have happened to her if I wasn’t there!


"I-I'm sorry..." muli niyang sambit habang nakatitig sa akin. Tumulo ang luha niya.


Napapikit ako ng mariin. I don’t want her to know how I feel because I’m afraid she'll avoid me. That she might suddenly disappear. But I can't just watch her like this.


Lumapit ako sa kanya. Kinain ng malalaking hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Nakita ko ang pagkakatigil niya at hindi siya nakagalaw agad sa sobrang gulat.


Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagtiim bagang ako at mas lalo pa siyang niyakap. I don't remember crying for a girl before except my sister but now, I feel like I want to cry. For her. For me. Because I was so nervous and scared. I feel like my heart stopped beating for a while earlier. I feel like I died for a moment.


"Shh..." alu ko at pinunasan ang mga luha niya sa pisngi.


I know she was so scared too. Kahit hindi siya nakikita ng iba ay pupwede pa rin siyang mabangga. She can still be injured and can also... die. Pumikit ako ng mariin.


"I'm sorry. Alam ko may kaunting trauma ka sa nangyari sa kapatid mo at hindi ko--"

"Shh... That's enough. It's okay..." pigil ko.


Pumikit siya at hindi na nagsalita. She leaned her head on my chest. Niyakap ko ulit siya. Ramdam ko ang matinding takot niya pero mas inuna niyang humingi ng tawad. She apologized first because she thought I was traumatized by what happened to my sister. Maybe, yes, I was traumatized. Pero mas natakot akong masagasaan siya roon.


"I'm really sorry..." nag angat siya ng tingin sa akin pagkatapos ng ilang sandali.

"It's fine, Bella. Don't cry anymore..." I gently wiped away her tears.


Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon