KABANATA 28

33 7 0
                                    

Kabanata 28

Lock

--

Bumalik kami sa mansyon nang mag gagabi na. Naglakad ulit kami pabalik. Nakatingin sa akin ang mga tao roon na para bang may kataka taka sa akin. Alam ko na agad ang ibig sabihin ng nga tingin nila na iyon. Alam kong nakita nila ako kanina habang kausap ko si Bella sa may dalampasigan. But I know no one saw me when we were in a tree. Wala masyadong tao roon.

Panay ang titig ko kay Bella nang nakarating kami sa kwarto ko. I was taking my watch off my wrist when she slowly walked towards me. I immediately looked at her. Nakita ko ang pag aalinlangan niya at ang bahagyang pagpula ng pisngi nang tumingin ako.

"Uh... pupunta na ako sa kabilang kwarto. I'm going to rest," paalam niya at kinagat ang labi.

"We'll have dinner after this," seryoso kong sinabi.

"Hatiran mo nalang ako. Hindi rin naman ako makakasabay sainyo..." nag iwas siya ng tingin.

I stared at her for a moment. I saw the sadness on her eyes. I grabbed her wrist and pulled her closer to me. Niyakap ko siya. Ramdam ko ang pagkakagulat niya at hindi agad nakagalaw.

"Dadalhan kita ng pagkain at sasamahan kita hanggang sa matapos kang kumain," marahan kong sambit.

Nakabawi siya. She slowly raised her arms and hugged me on my waist as well. Parang tumalon ang puso ko sa saya. I couldn’t help but let out a smile on my lips.

"Okay..." anya at dinikit ang pisngi sa aking dibdib.

Hindi tuloy ako mapakali habang kumakain kami sa hapag. Nag uusap ang parents ko tungkol sa gagawin nila bukas habang ako binibilisan ang pagkain para makapunta na agad kay Bella.

Damn. Am I going crazy? That's fine with me.

Halos matawa ako sa sarili. Baliw na nga yata ako.

"Son, nagmamadali ka ba?" Si Mama nang napansin ang pagkabilis bilis kong kumain.

"Hindi naman po," sagot ko at bahagyang binagalan ang pagkain.

"Are you avoiding me because I introduce you to a girl again?" She asked worriedly.

What?

"No, Mom. I'm not avoiding you. Don't think about that," I assured her.

"I'm sorry. I know you don't want those kind of things--"

"Mom, it's okay. I'm not avoiding you. I'm not mad. I just want to... rest immediately."

"Baka naman pati dito dinala mo ang mga libro mo, Arthur?" Biro ni Papa.

Hinampas siya ni Mama sa braso. Bahagya siyang natawa.

"Just kidding. Wag ka nang mag isip ng mali sa anak mo, honey," anya kay Mama.

"I'm just worried," sabay tingin niya sa akin.

I smiled. "I'm not mad, Mama."

Nakumbinsi ko naman siya pagkatapos. She smiled. Nagpatuloy kami sa pagkain.

After we ate I immediately got food for Bella. Nagtaka si Mama kung saan ko iyon dadalhin nang nakita niya akong kumukuha.

"We just ate, Arthur. Para kanino yan?" She asked, confused.

"Uh... mine. Nagugutom pa po ako. Doon nalang ako kakain sa kwarto ko," sagot ko at tinapos na ang paglalagay ng pagkain.

Mom stared at me for a moment. She looked at the food then back at me. She nodded but still the long stare wasn't removed. I said goodbye to her and she just nodded, she watched me leave the kitchen while there was something on her face that I couldn’t read.

Magical Love (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon