Chapter 25

145 14 0
                                    

Chapter 25

 

Steffie's Pov

Masaya na ako na masaya din yung bestfriend ko. Naalala ko tuloy nang nasa elementarya pa lamang ako ng makilala ko si Lucy, transferee siya kaya naman wala pa siyang kakilala o kaibigan.

Flashback

masaya akong naglalakad sa corridor, break time na kasi ng mga oras na iyon. naisipan kong pumunta sa playground ng school at doon na lamang kumain dala ang aking baunan. napansin ko naman ang isang batang nakayuko habang nagduduyan. Nilapitan ko naman ito at umupo sa katabi nitong swing.

Napatingin naman sya sa akin, tinaasan ko naman ito ng kilay, kaya naman muli siyang yumuko at nagduyan?

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Hah? a-ako ba ang k-kausap mo?" nahihiya at mautal-utal nitong sabi sa akin.

"Ay hindi, ano ka ba? anino mo ang kausap ko" ngumiti ako dito ng sarkastiko.

"Malamang ikaw! bukod sa atin dalawa, may iba pa bang tao dito?"

"W-wala"

"Transferee ka diba?"

tumango lang ito.

"Bakit di ka pa kumakain? break time na diba?"

"Hah?"

"Wala kang baon?" kinuha ko yung baunan ko.

"Tara" hinawakan ko siya sa wrist nya. Umupo naman kami sa bench.

"Hati na lang tayo sa baon? ok lang ba?"

tumango ito.

"Ba't ayaw mong magsalita? pipi ka ba? tsk huwag ka ng mahiya sa akin" sabi ko habang hinahati yung baon ko.

"Oh sayo na itong isang sandwich ko, buti na lang dalawa ginawa ng Omma ko" iniabot ko ito sa kanya. napakamot naman ako sa batok ng tinitigan nya lamang ako.

"Aish naman! ayaw mo?"

"Ah eh" kinuha ko ang kamay nya at inilagay yung sandwich.

"T-thanks"

"Wala ka bang baon?"

"Naiwan ko yung baunan ko"

"Teka umiiyak ka ba?"

"Kasi w-wala na naman yung parents ko"

"Ako din naman, pero nandyan naman yung oppa at unnie ko"

"Buti ka pa" sabi naman nito.

"Ganoon talaga, atsaka ginagawa lang naman nila iyon para sa magandang kinabukasan natin atsaka para matustusan nila yung pangangailangan natin"

"Teka, ano nga palang pangalan mo?"

"I'm Lucy Kierra Young, Lucy na lang itawag mo sa akin"

"Ah, I'm Steffie Laine Catrie, Call me Steffie"

iniabot ko naman yung kamay ko at nakipagshake-hands sa kanya.

"Friends?"

"S-sige"

"Gusto mo ng suchi?"

iniabot ko naman sa kanya yung chopsticks habang kutsara't tinidor naman ang gamit ko.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon