Chapter 1: The Plan :)

284 28 1
                                    

***Part 2 of M.L.F.T.S

 

Chapter 1: The Plan :)

 

Lucy's Pov

Nakakakilig talaga yung Dalawa, Mukhang Ewan si Matteo pero ang Sweet, Dapat pala..ano kaya kung Gawin ko ito Kay Winston. Ayiiieeee! Naiinggit tuloy ako Kay Best, Kasi naman Ako na Kawawa ajujuju... Ni Hindi Manlang Nagawa iyan ni Winston, Kainis! pero Gagawin ko Ang Lahat para Mahalin ako ni Winston.

Time check: 8:50

Pinuntahan ko na ang Lovers.

"Ang Sweet naman" sabi ko.

"Ay pusa!.. Lucy naman nakakagulat ka"

Napansin ko naman nakayakap siya kay Matteo.

"Best, Ano iyan Chansing?"

Nagulat naman sya kaya inalis niya agad ang pagkakayakap niya.

"Nagustuhan mo ba ang gift namin sa inyo, Ang Sweet namin ano?!"

"Oo nga, kaya pala tawa kayo ng tawa kanina yung pala may pinaplano kayo, Para kaya kayong mga kiti-kiti Swear! kung nakita nyo lang Yung mga sarili niyo" sabi niya.

Natatawa na naman ako kasi nga super napaniwala namin si Matteo, Para syang Ewan kanina hahaha.

Parang Batang Inagawan ng Icecream eh! Enjoy talaga!

"Ang hirap kayang Magplano" sabi ko.

"Anyway, Best thank you, Nasaan nga pala yung dalawa?" tanong nito.

"Ewan, Nagliligawan na ata"

"Si Unnie?"

"Ayun oh! Nage-emo" tinuro ko naman Si Sterrine na hanggang ngayon Nakaheadset pa rin. sana mabingi ka Echos! ang Mean ko Hahaha wala lang naiinis ako sa kanya.

"Hoy mga lovers! Malapit na ang flight natin kaya Magpaalam na kayo sa Isa't isa dali"

"Matteo, Huwag kang mag-alala"

Pag-aarte ni Steffie, baliw talaga balak pa atang Magrole-play dito sa airport ayan with matching tears pa wahahaha malala na si Best.

"Pangako, Bumalik ka, Babalik ka naman diba"sabi ni Matteo, nag-roroleplay nga ang lovers.

"Ayoko mang iwan pero.. kailangan kong Gawin ito" itinaas naman nito ang kamay yung parang promise ganun din si Matteo Pinagdikit nila ang kamay nila, waaaahhh ang drama nila, ang babaliw talaga, bagay nga sila.

"I Love you Steffie"

"Matteo, Goodbye"

Naglakad kunyari si Steffie magkatalikuran sila ngayon ni Matteo, yumuko ang gaga at nakalagay ang kamay sa mukha.

At ang sira kong Bestfriend Bigla ba naman tumakbo at niyakap ang nakatalikod na si Matteo.

"Matteo, Wag Mo Kong Iwan, MAHAL KITA"napakamot na lang ako sa Ulo, Mukha silang Ewan.

"CUT!" Sabi ko, ano ito shooting! ako director.

Pinaltukan ko naman yun dalawa.

"Mga baliw talaga ito, Magbye kana Steffie, malapit na tayong umalis" hinila ko na ito at ang gaga umiiyak habang hinihila, With matching inaabot kunyari si Matteo.

"Matteo, wag mo kong iwan"

Hindi ko alam kung matatawa ako or what! Dumating yung isa pang Lovers. umaayos naman si Steffie at pinunasan yung luha niya.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon