Chapter 30: Clue

84 6 0
                                    

Chapter 30: Clue

Steffie's Pov

Natatawa naman si Lucy.

"Ikaw Lucy, Marunong ka bang magluto?"

"Medyo"

"Naku mukhang pwede na nga talaga"

Nag-aasaran lang kaming apat, namiss ko nga ito ang mga kulitan namin, pinagtitinginan naman kami lalo na yung mga haters, kung makatitig nga si Angie,Jhenny, Khain, At Grace halatang mga insecure. Nakita ko naman yung mga friends namin sila Angelica, yayain ko nga sna sila kaso sabi nila next time na lang daw, marami pa daw kasi silang gagawin, alam ko s sarili ko na nagbago ako simula ng makilala ko sila, hindi na ako ang dating Steffie na masungit, walang pakialaman sa mga tao sa paligid. Natuto akong magpahalaga, naalala ko naman si Jessie, kamusta na kaya sya, namimiss ko na sya ang tagal na rin namin di nagkita.

Nagpaalam naman ako sa kanila para sana pumunta sa Comfort room. Nakita ko naman si Rachell, hindi ko nalamang sya pinansin at naghugas na lamang ako ng kamay, at nag-retouch sa sarili. Ngumisi naman ito nagkatinginan kami sa salamin.

"Ayaw ko makipag-away kaya kung pwede lang--"

"Sus! ano naging santa ka na ngayon! Oh my God Steffie, magpakasaya kana ngayon, dahil darating ang araw kamumuhian ka ng taong mahal mo, marami kapang di nalalaman, nakakaawa ka naman"

"Anong ibig mong sabihin?" ngumisi ulit ito, at nilisan na ang comfort room, Napaisip ako sa sinabi nya.

Bumalik na ako, nakita ko naman wala na sila Lucy.

"Asan na sila?"

"Nagpaalam na sila, may klase pa kasi sila" tumango naman ako.

"Ikaw ito?" pinakita nya sa aking ang isang larawan.

"Oo, bakit?"

hindi naman sya umimik.

"Bakit?" inulit ko yung tanong ko, ngumiti ito at hinarap ako. Napataas naman ako ng kilay.

"Anyari sayo? makangiti ka wagas hah! bakit crush mo ko ano? nagagandahan ka sakin ng bata ako?"

"Tsk, ikaw pala iyon" ngiti naman sya ng ngiti.

"Hoy! mukha kang ewan, ano nga iyon?" kinotongan ko na sya ng matauhan.

"Steffie, ikaw pala yung batang iyon, iyon pinagtanggol ko sa mga batang--"

"Hah? anong sinasabi mo?" hindi ko na sya pinatapos.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon