Chapter 35: Missing

80 7 0
                                    

Chapter 35:

 

Rachel's Pov

"Walanghiya ka" pagkatapos naramdaman kong dumampi na naman ang kanyang palad sa aking mukha. Hindi ako umimik, o nag-inda ng sakit, nakatayo lamang ako sa kanyang harapan.

"Wala kang utang na loob" sigaw nito.

"Bakit?" yun lamang ang tanging nabigkas ko. Pinipigilan kong umiyak sa harapan niya.

Sasampalin sana ulit ako ni Tito Rex ng hawakan ko siya sa wrist.

"Wala kang karapatan" mariin kong sabi dito.

"Ako ang bumuhay sayo" sabi nito.

"Pinatay mo ang magulang ko, hindi ako mapupunta sa sitwasyon na iyon kung hindi mo sila pinatay"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Alam kong pinapatay mo ang magulang ko kasi masama kang tao, at kaya mo naman ako inamon at binuhay yan ay dahil nakokonsensya ka sa ginawa sa kanila" sinampal ako nito.

"Masyado kang nagmamagaling, Wala kang alam kaya manahimik ka"

"Marami, marami akong alam lalo na ang kawalang-hiyaan mo, hindi mo manlang naisip na ang mga katulad namin na noon ay nangangailangan ng pagmamahal at kalinga ng Ina ay pinagkaitan mo, Katulad ni Matteo. Sa murang edad naulila ako at yun ay dahil sa kasakiman mo pati ang matalik mong kaibigan pinapatay mo ng dahil sa pera, Anong klaseng tao ka?" sigaw ko dito.

"Taksil ka na nga, wala ka ang utang na loob"

"Get out" sigaw ulit nya, nilisan ko ang office niya ng walang imik.

Sterrine's Pov

Sino naman kaya ang mga magulang ko? buhay pa kaya sila? hinahanap din ba nila ako? ang daming gumugulo sa isipan ko, sumagi sa isip ko na sabihin sa kanila na alam ko ang lahat. Gusto ko silang tanungin, pero buo na ang desisyon ko. Naupo muna ako sa kama habang inaalala ang lahat.

Flashback

"Omma" masaya akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Here, I got a pasalubong for you" sabi ko, niyakap ako ni Omma.

"Omo, I miss you my daughter"

"Where's Steffie"

"Nasa room nya"

Naupo ako sa couch.

"I'm glad you're back, Where's your oppa"

"He's with Tito Rex" tumango sya at ngumiti, kauuwi lang naman galing states.

"Namiss talaga kita Sterrine" niyakap nya ako ng napakahigpit, I kiss her on her chicks.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Do you want something to eat, pancake? Ice cream?"

"Pancake will do Omma"

"Ara" pagkatapos pumunta sya sa kitchen.

**

Napaluha ako ng maalala iyon, namiss ko ng kumain ng pancake na luto ni Omma.

Naalala ko rin yung mga panahon close na close kami ni Steffie, pero dahil sa inggit at selos nagbago ang lahat. Pinaibig ko siya kay Water at hinayaan siyang paglaruan at saktan nito. Nasira pa yung pagkakaibigan namin apat: Lucy, Rachel, ako at si Steffie. Masayang-masaya kami noon kaso dumating yung araw na nagkaroon kami ng inggitan, yung boyfriend ni Rachel nakipaghiwalay sa kanya ng dahil kay Steffie. Steffie gets everyone's attention dahil nga maganda sya, feeling namin inaagaw nya na ang lahat. Insecurity yung ang dahilan kung ba't nagkandawasak-wasak ang pagkakaibigan namin. Nakita ko naman yung bracelet, ito yung tanda ng pagkakaibigan namin apat R.S.S.L tapos yung name ko. Sinuot ko yung bracelet, matagal ko na rin itong di nagagamit balak ko pa nga siyang itapon noon. Naiiyak ako tuwing maaalala ko yung masasayang alaala namin apat, feeling ko kasi ako ang may kasalanan ng lahat. Kinuha ko na yung maleta at bag ko. Maayos kong nilagay ang mga gamit ko dito.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon