CHAPTER 18: Flashback

383 54 10
                                    

CHAPTER 18: Flashback

STEFFIE'S POV

"I Don't Know"

hindi ko talaga alam yung nararamdaman ko ngayon pero eto lang ang Masasabi ko Ang Bilis ng tibok ng Puso ko ngayon, Para bang sasabog na.

Sandali akong natahimik. Nangibabaw ang katahimikan sa amin dalawa tila ba nag-iisip ng mga sasabihin,Ano ba talagang Nararamdaman ko ibig sabihin ba Noon Nakalimutan ko na siya, Yung Taong Minahal ko Pero, Sinaktan lang ako, Babalik pa ba siya? Natatakot na kong Magmahal Hanggang ngayon kasi Umaasa pa rin ako At Naghihintay. Ang sakit lang Eh! Kasi hanggang Ngayon Umaasa pa Rin ako sa kanya sa Walang-hiyang Ex ko na walang Ginawa kundi ang saktan at Lokohin ako.

Naramdaman kong unti-unting Tumutulo na ang Luha ko,

Tapos ayon Tumakbo na ako palabas ng bahay ni Matteo, Pumara ako ng taxi.Agad-agad akong sumakay habang nakatingin sa window ng car pinagmamasdan ang mga nadadaan ay Naalala ko na naman ang lahat. nakauwi na Ako sa Bahay at agad na nagkulong sa kwarto.

FLASHBACK

3 years ago Nagkaboyfriend ako Nakilala ko siya sa Graham National High School,

Gwapo,Matalino,Matangkad,Mabait,at Varsity Player, Big Catch na Nga Siya kumbaga kaya lahat ng Girls sa Campus ay Hinahangaan siya.Pero ako wapakels ako sa Kanya.Naisip ko nga Na Hindi lang naman siya ang lalaki sa Mundo at masyado pa kong Bata  para pasukin ang Love.Naisip kong mas madali kung ang sarili ko lang ang Mamahalin ko.Kasi kung Maiinlove ako o kung Magmamahal ako Mas Magiging Kumplikado ang lahat.at isa pa May Hinihintay kasi akong Tao. Napaka-espesyal niya sa Akin ang kaso Iniwan niya ko,Hindi na siya Nagpakita. At isa Pa i Don't want To Hurt,Mahina kasi ako.

Pero wala kahit anong iwas ko sa Love na iyan bandang Huli natalo pa rin ako eh! Nainlove ako sa kanya.

Katatapos ko lang Gumawa ng Groupings noon sa School,Mga alasais na rin. Hinihintay ko naman ang sundo ko sa Waiting Shed.

Umupo Ako,Kinuha ang Cellphone ko At sinalpak ang dalawang earplug sa Tenga ko.

NOW PLAYING: Porque

Gusto kong. Mag-senti ngayon,Nalulungkot kasi ako Miss ko na Ang kababata ko, Nakakainis lang sabi niya Proprotektahan niya daw ako.Kainis lang dapat hindi na lang siya nag-promise,

Nagulat naman Ako nang May lumapit sa Akin Mga Lalaki.

"Hi! Ms.Beautiful" Hindi ko pinansin Ang Mga ito.

sa halip ay nakinig lang ako sa Music.

"Sungit hah!"

Natapos na Ang Music.

Umupo rin ang lalaki sa tabi ko habang yung isa naman ay nakahawak ang kamay sa pader.ang isa naman ay nakatayo lang.

"Excuse me" sabi ko,Nais ko ng Umalis, Habang Maaga pa ay Umiwas Na ko, Ramdam ko Ang Takot At Kaba Mukha kasing may di magandang Mangyayari.

"Teka! Ms.Beautiful huwag ka munang Umalis makikipagkilala lang naman kami sayo"

Hinawakan niya ang braso ko.

"Wow! Ang Kinis ng balat niya. Ang puti pa Halatang mayaman"

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon