Chapter 32: Forgiveness

87 7 0
                                    

Chapter 32: Forgiveness

 

Rachel's Pov

Nasa bakanteng Classroom ako ngayon, Well ang boring kasi.

Tinawagan ko naman si Matteo, siguro nagtataka kayo kung bakit? Well alam kong mali ang iniisip nyo, tinawag ko siya kasi may importante akong sasabihin. Pag hindi siya naniwala, wala na akong magagawa, bahala na sila. Maya-maya narinig kong bumukas ang pinto.

"Anong kailangan mo? Ano yung sasabihin mo?" pagbungad nito sa akin, tumayo ako at hinarap siya.

"The Truth" sabi ko.

"About?" tanong nito.

"Your Sister" nanlaki ang singkit niyang mata sa sinabi ko.

"Anong nalalaman mo?"

"Buhay siya"

"Pwede ba diretsuhin mo na lang ako"

"Masyado kang atat, gusto mo wag ko na lang sabihin" tinignan nya ako ng masama.

"Ok, easy, so eto nga buhay ang kapatid mo at kilala mo ba kung sino? Siya si Sterrine Catrie"

"Ano? nagpapatawa ka ba?"

"Ayaw mo maniwala? o sige wag kang maniwala, bahala ka sa buhay pero yun ang totoo"

"Paanong nangyari iyon, Paanong si Sterrine Catrie ang kakambal ko?" nagulat ako at napalingon.

"Ano?" sabi ni Steffie.

"So, you're here, What are you doing here?"

"Anong pinagsasabi mo Rachel?"sabi ni Steffie

"It's Impossible" sabi ni Matteo.

Nagkibit balikat ako.

"Alam ko ang lahat" tumingin ako kay Steffie.

"Ba't di mo tanungin ang Magulang mo, alam din nila ang lahat, kasi sila ang puno't dulo"

"Paano naman ako maniniwala sa katulad mo?" tanong nito.

"Hindi ko kayo pinipilit na maniwala, pero yung ang totoo" Umalis na silang dalawa, mga tanga din pala itong mga ito. Well, that's enough tama na siguro iyon.

Steffie's Pov

Nasa cafeteria kami ngayon ni Matteo.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi nya?" tanong ko dito.

"Hindi ko alam" napa-face palm ito. tinignan ko siya sa mata.

"Naguguluhan ako, Paanong nangyari na ang kapatid mo ay kakambal ko?" sabi nito.

"Hindi kaya niloloko lang tayo ni Rachel?" may pag-aalangan kong sabi.

"Hindi nya siguro magagawa iyon, sa nakikita ko, seryoso sya ng sabihin nya iyon"

nagkibit-balikat ako.

"Naguguluhan din ako Matteo"

"Paano nangyari iyon?" tanong ni Matteo.

Nagtitigan lang kami nito na tila ba naghahanap ng sagot sa bawat katanungan sa isip namin.

Nagpaalam siya sa akin, pupunta daw siya sa principal office.

"Sasama ako" hindi na sya sumagot ngunit sumunod ako sa kanya papunta sa office. Hinanap nya ang ilang impormasyon tungkol kay Sterrine, ngunit hindi rin naman ito nakatulong, isa lang ang alam kong makakasagot ng bawat katanungan namin at iyon ay ang mga magulang ko, pero parang natatakot din akong malaman ang katotohanan.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon