Chapter 38: Still finding

93 6 0
                                    

Chapter 38:

 

Palihim namin sinundan si Rachel at hindi ko alam kung nasaan lugar na kami.

Nakaramdam naman ako ng kaba, nagulat ako ng hawakan ni Matteo ang aking mga kamay, kahit papaano napanatag naman ako. Huminto si Rachel, iniba niya ang direksyon ng kanyang pupuntahan, sumakay sa Van. Hindi ako makapaniwala ang bilis kasi ng pangyayari.

"Matteo, sundan natin" natataranta kong sabi. Kinapa niya ang susi ng kotse, wala na hindi na namin ito maabutan. Pumunta kami sa bahay ni Matteo, And to my surprise nakita ko si Tita Zyrill at lalaking na kasing edad din ata ni tita. Si Sherene ang nag-iintindi dito siya ang nagbigay ng maiinom at makakain sa mga ito, Parang ang awkward naman sa paligid. Yumuko si Matteo.

"Good Evening" tumayo si Tita at nilapitan ang anak para sana bigyan ng halik sa pisngi.

"Matteo" nagulat naman ako sa nagsalita, tumayo ito at humarap sa amin.

"Tell it" sabi nito.

"Dad" So, siya pala ang Daddy ni Matteo, natatakot ako sa kanya para kasing ang sungit at napakaseryoso niyang tao.

"Good Evening po" yumuko ako sa mga ito.

"What are you doing here Steffie?" sabi ni Tita Zyrill.

"Tita—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong sinampal.

"Mom, What was that for?"

"Sa lahat ng kasalanan ng pamilya niya" sasampalin niya ulit sana ako kaya lang nahawakan ni Matteo ang wrist niya.

"Stop it Zyrill"

"Albert" galit na sabi nito.

"Nasaan ang anak ko?"

"I'm sorry po" yumuko ulit ako sa mga ito.

"Napakawalang-hiya ng mga magulang mo" kitang-kita ko sa mukha niya ang galit, naiiyak na ko.

"Mom, wala siyang kasalanan, at wala siyang kinalaman sa ginawa ng mga magulang niya"

"Almost 18 years ng nawawala ang anak ko, ang kambal mo, tinanggalan nyo ko ng karapatan maging ina sa kanya, kayo ng pamilya mo ang sumira sa pamilya ko" lumuhod ako sa harapan nila.

"I'm sorry, alam ko pong napakalaki ng kasalanan ng pamilya ko sa inyo, at hindi iyon madadaan sa salitang sorry. Alam kong hindi na mababago yun, sinira ng magulang ko ang pamilya niyo. Ako na po mismo ang humihingi ng kapatawaran sa mga kasalanan nagawa nila sa inyo"

"Pagbabayaran ng pamilya mo ang ginawa nila" nakayuko pa rin ako. Hinila naman ako ni Matteo patayo.

"Halika na" sabi nito.

"Matteo" sigaw ng ina niya.

Lumabas na kami ng bahay niya.

"Ok ka lang?" hinawakan niya ko sa baba, tapos pinunasan niya naman ang mga luha sa mata ko.

Sumakay na kami ng kotse. Pareho naman kaming tahimik.

Rachel's Pov

"Ano ba?" sigaw ko ng hilahin ako papasok sa van. Alam kong isa yun sa mga tauhan ni Tito.

"Rachel" nagulat naman ako sa nagsalita, nakaupo siya sa unahan.

"Ipapahamak mo ba talaga ako?"

"Ano ba kasing balak niyo? Ano ng gagawin mo kay Sterrine"

"Ransom or patayin ko na lang si Sterrine"

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon