Chapter 29 : Mr and Mrs Sungit

122 7 0
                                    

Chapter 29 :

 

Matteo's Pov

Maaga akong nagising nag-unat unat muna ako bago lumabas ng kwarto. May tao sa sala, Bumaba ako kaagad.

"Oh ayan na pala sya eh" nagulat ako sa nakita ko, Anong ginagawa nya dito. Tumayo sya at inilapag ang baso ng kape.

"Good Morning" pambungad nito sa akin. Nakatingin lang ako dito at di makapaniwala.

"Good morning" nagpatuloy ako sa paglalakad at pumunta sa kusina, nagulat sya sa inasal ko, kumain lang ako sa dining table ng umupo sa harap ko si Sherene.

"Baby Matt" patuloy lang ako sa pagkain.

"Good morning"

"Baby Matt, S-she's back"

"Kumain ka na?" sabi ko habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Hindi mo manlang ba sya kakausapin?"

"Who?" walang emosyon ko siyang tinignan.

"Baby Matt, Why are you acting like...as if you don't know her"

"May Girlfriend na ako"

"What i mean is hindi mo manlang ba sya kakausapin?"

"Why would I? may dapat ba kaming pag-usapan"

nagulat si Sherene sa mga pinagsasabi ko.

"L-lower than your voice" sabi nya.

"Tss" napailing na lamang ako.

Iniwan naman ako ni Sherene at pumunta ata kay--nevermind.

Irene's Pov

Masayang-masaya kong tinungo ang bahay nya, sa wakas makikita ko na muli ang lalaking pinakamamahal ko, pero nabawi ang sayang nararamdaman ko ng makita ko sya parang ang laki na ng pinagbago nya. Wala akong emosyon nakita sa mata o mukha nya ng makita ako. Para bang hindi nya ko kilala at bumati lamang sya sa isang estranghero, lumungkot ang mukha ko. Parang nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib, akala ko pa naman pag nagkita kami magiging masaya sya. Lahat ng inakala ko ni isa walang nagkatotoo masakit yun sa parte ko, lalo na't ang balewalain ng taong mahal mo.

Ngumiti ako ng malungkot ng tumingin sa akin si Sherene.

"sandali lang hah" sinundan nya si Matteo sa kusina.

Nanghihina akong napaupo sa sofa yung sayang nararamdaman ko kanina ngayon ay nababalutan ng sakit.

"May Girlfriend na ako" halos madurog ang puso ko sa sinabi nya namumula na ang mata ko at anumang oras ay baka tumulo ang maiinit na butil na galing sa mga mata ko. Hindi ko sya masisi alam kong kasalan ko rin naman kasi iniwan ko sya ng hindi manlang nagpapaalam.

Masakit oo pero siguro kulang pa ito dahil sa binigay kong sakit noon sa kanya, hindi ko sya masisis kung magalit sya sakin.

Narinig kong nagtatalo sila ni Sherene, tama nga naman ano pa bang dapat namin pag-usapan. Ang sakit kasi ang tagal kong naghintay, ginawa ko ang lahat para lang makasama at makita sya. Mahal na mahal ko sya, sabihin na nilang selfish ako pero gagawin ko ang lahat para lamang bumalik sya sa akin. Nakita kong papalapit sa akin si Sherene, tumayo ako at yumuko.

"P-pasensya na sa abala" sabi ko.

ngumiti sya.

"No, ba't ka nagso-sorry ako nga dapat ang humingi ng tawad sa ginawang kilos ng kuya ko" ngumiti ako ng malungkot.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon