Chapter 7: I'm scared

183 27 0
                                    

Chapter 7: I'm scared

bumalik na naman ang Mapapait na alala bakit kaya hmmm? ayoko na nga munang isipin iyon, ayokong Ma-stress mag-kapimples ako nyan.

Tapos na akong kumain, May naisip naman akong itanong kay Matteo, doon ko nga sya Unang nakilala, ibig sabihin talagang Maganda yung Irene aish! Bakit parang Bigla akong naiinis kasi naman magkabaliktad kami ng Ugali ng Ex nya ako mataray at masungit samantalang si Irene friendly, maalalahanin din sya ako di masyado,tapos Mabait at Matalino sya, Feminine na feminine ang kilos nya samantalang ako ah No COMMENT masyado ko ng Jinujudge at Nilalait ang sarili ko. sabagay, no wonder kung bakit sya Nagustuhan ni Matteo Big Catch na kasi sya, O saan ka pa! pero bakit nya kaya iniwan si Matteo, Dahil siguro sa kasungitan nito hindi na ata sya Natiis ni Irene, O baka naman Dahil ano nga ba?? Hahaha wala na akong Maisip eh!

Pinitik naman nito ang Noo, at di pa sya nakuntento piningot ba naman yung ilong ko.

"Ouch"

"Masakit?"

"O-" :* *chup*

"Bakit mo ba kasi ginawa iyon?" tanong ko dito.

"Kung ano-ano kasing Iniisip mo, ni-stress mo na naman ang sarili mo"

"Wala naman akong Iniisip ah!"sagot ko dito.

"Eh ba't ang tahimik mo at nakatulala ka pa?"sabi ni Matteo.

Ah ano nga ulit iyon Naisip ko kanina, alam ko na! Tatanungin ko pala siya.

"Matteo" tawag ko dito.

"Bakit?"

"Uh, Alam mo ba kung saan tayo Unang nagkakilala?"

"Oo"

"Saan?"

"Tss. sa School"

"Uh School? H-hindi mo naalala" Lumingon ito sa akin na may pagtataka,

"Maalala ang alin?"

"Wala Hmmp"

"Ano nga iyon?" pangungulit nito, palibhasa may Irene pa sya noon, Hindi nya manlang ako Natatandaan, Wow faithful sya hah! di sya Tumitingin sa ibang babae, Hindi nya manlang nga ata ako Natatandaan.

"Hoy! nababaliw ka na naman ba?" Sabi ni Matteo.

"Hmmp Ewan ko sayo, kainis ka"

"Hoy" tinusok-tusok nito ang braso ko.

Inignore ko lang siya, Hmmp Kakatampo, kainis talaga.

"Che, Bahala ka sa Buhay mo"

sabi ko dito.

"Bakit? ano bang problema mo, Totoo naman ah sa School kita nakilala"

"Ewan" sabi ko dito.

"Steffie" malambing na pag-sasabi nito, Tinalikuran ko lang siya at nagtakip ng kumot, Talk to my back, Matutulog na ako.

"Steffie, Hoy! Tsk. ang hirap nyo talagang Intindihin mga Babae"

"Tss. Insensitive lang talaga kayong mga lalaki"

"PMS ka ba? Ang init na naman ng ulo mo, ang taray mo na naman" sabi nito.

"Sa bagay, kahit hindi ka naman PMS eh Natural na ang pagiging mataray mo" dagdag nya pa.

Ano? gusto nya bang upakan ko sya.

Nilingon ko ito at tinanggal ang kumot.

"Hoy! anong sabi mo?"

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon