Chapter 34:
Irene's Pov
"Green" masaya kong bati dito.
"Bakit? May kailangan ka ba?"
"Hmm wala naman" umupo ako sa dining table.
Kumain na kami ng breakfast.
"Pansin ko lang Green, Wala ka pang girlfriend ano?" tanong ko dito.
"Wala"
"Bakit naman? pero may natitipuhan ka?" nacu-curious ako, para kasing ang pihikan nya.
"Oo?" sabi nya tapos nagkibit balikat ito.
"Talaga, Sino?"
"Steffie" sabi nya.
"Steffie, Who?" kasi naman sasabihin yung name hindi pa buo.
"Steffie Catrie" hmm parang narinig ko na yung name niya.
"Ah I see" sabi ko dito sabay kain.
"Kaso mukhang di naman nya ako gusto at wala na akong pag-asa sa kanya" napatingin naman ako sa kanya.
"Saklap, buti pa ako. Bakit naman walang pag-asa?"
"Kasi may boyfriend na siya"
"Sino?"
"Si Matteo" sabi nya, ano daw?
"Anong sabi mo? Si Matteo?"
"Oo, Bakit kilala mo?"
"He's my Ex, siya ang dahilan kung bakit ako bumalik dito"
"Pero wala ka ng babalikan"
"Meron, asawa nga naagaw pa yun pa kaya, ganyan nagkakalabuan na sila" nakita ko naman sa mukha nya ang pagtataka.
"Paanong nagkakalabuan?" sabi nya, kumain muna ako atsaka siya sinagot.
"Dunno" tapos nagkibit balikat ako dito.
"Curious?" tanong ko dito.
"Yeah" sabi nya, tumayo naman siya at pumunta sa lababo.
"Di ko alam eh, nagulat na lang ako ng kausapin ako ni Matteo kahapon"
"Bakit ba kayo naghiwalay?" tanong ni Green.
"Actually, hindi naman talaga kami nag-break. Umalis kasi ako ng di nagpapaalam. Basta ko na lang siya iniwan"
"Tapos?"
"Matigas ang ulo ko diba, tumakas ako at umuwi dito sa Pilipinas"
"Buti alam mo" pinitik ko naman siya sa noo. Tapos maya-maya tinawanan nya ako.
"Baliw" hinampas ko siya at umalis na sa dining. Di naman nawala sa isip ko, kung may pag-asa pa ba ako kay Matteo, kasi mukhang mahal na mahal nya talaga si Steffie.
"Hindi ka na mahal nun" nagulat naman ako kay Green, nakaupo kasi ako ngayon sa couch, sinamaan ko sya ng tingin.
"Mas lalo ka naman" sabi ko dito.
"Hay naku" kanta iyon diba?
"May pag-asa ba ako, sabihin mo ako'y maghihintay sayo" tinuloy ko yun at kinanta ang sumunod na lyrics.
"Wag kang kumanta, baka mamaya umulan" pag-kontra nya sa akin, kahit kailan talaga itong lalaki na ito.
"Che" binato ko siya ng throwing pillow. Kinuha nya naman yung gitara nya.
BINABASA MO ANG
The Destiny
Teen FictionNOTE: Read until the last chapter, sorry for the typos,and grammatical errors, I highly appreciated if you give some votes and comments every chapters of this story:) then for return, I'll give you a dedication. Status: (completed and editing)