Chapter 39: Forgiveness

91 7 0
                                    

Chapter 39:

Rachel's Pov

Nakakainis ba't pati ako dinamay nila, shit lang. Ang sakit na ng kamay at paa ko. Maya-maya narinig ko na parang binubuksan yung pinto.

"Kumain ka na" sabi nang isa sa mga tauhan niya.

"Stupid, makakakain ba ko sa ganitong kalagayan" pagtataray ko dito.

"Tinanggal niya yung tali sa kamay ko" ngumisi ako.

"Thank you" kumain muna ako nagugutom ako eh, mamaya na lang ako tatakas.

"Gutom ka rin?" nakataas na kilay kong tanong dito.

"Si Sterrine kumain na ba siya?" tanong ko dito.

"Pakainin mo na siya" sabi ko dito, hindi naman siya sumasagot.

"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan! pipi ka ba?" sinamaan niya ko ng tingin. Wala siyang hawak na baril, aba ayos!

Tumalikod naman siya sakto timing talaga, sinamantala ko ang pagkakataon hinampas ko siya ng dospordos sa batok dahilan para siya ay tumumba at mawalan ng malay. Hinahanap ko naman yung phone ko. Lumabas na ko ng kwarto pero nagulat naman ako nang nasa labas na ako meron pa palang mga tauhan. Nakatingin sila s akin habang nakatutok yung baril.

"At saan ka pupunta?"

"Naiihi na ako! bakit ba? masama" Mabilis kong dinukot yung baril nang isa at itinutok sa kanila.

"Wag kayong lumapit kung ayaw niyong sumabog ang bungo nito" sabi ko habang nakahawak sa leeg ng isa sa mga tauhan. Naglakad naman ako palabas ng pinto habang nakatutok pa rin ang baril sa sentido nito.

"Walang susunod" nakalabas na ko, medyo malayo na rin ako sa kinaroroonan nila.

Pinukpok ko naman siya ng baril sa batok atsaka binaril sa kanan binti.

Syempre para makasiguro ako na di na niya ako masusundan.

Steffie's Pov

"Tito Rex" sabi ko, nagkita kasi kami dito sa hospital.

"Steffie, how are you? Kamusta si Caize?"

"I'm fine Tito, si Omma din po kaya lang nag-aalala pa rin po ako sa kanya. Nawawala po kasi si Ate"

"Si Sterrine"

"Opo Tito, wala pa rin po kaming balita sa kanya"

"Alam na ba ito ng Appa mo"

"Opo"

"Eh bakit hindi pa siya umuuwi?"

"Marami pa po kasi siyang gagawin, busy daw po siya kaya nagpadala na lang po siya ng tauhan na pwedeng tumulong sa paghahanap kay Ate"

"Pero mas mahalaga pa yun kaysa sa anak nya?"

"Marami pa po kasi daw siyang aasikasuhin proposals, tapos yung company"

"Sabi ko naman kasi sa kanya ako na dapat ang bahala sa kumpanya, siya na nga ang nag-aasikaso ng mga hotel at resorts at mga businesses na iniwan nila papa"

"Teka kumain ka na ba?" tanong nito.

"Hindi pa po Tito"

"Tara, lets have a lunch"

"Ok po" lumabas na kami ng hospital, si yaya na muna ang nagbantay kay Omma tutal nakatulog na rin naman ito. Pumunta kami sa isa sa mga restaurant na pagmamay-ari ng pamilya namin.

Habang naghihintay kami ng order nag-usap muna kami ni Tito.

"Tito, ikaw po? kamusta ka na po? hindi ka na po ba babalik sa states?" sunod-sunod kong tanong dito.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon