Chapter 27:

113 10 0
                                    

Chapter 27:

 

Maaga akong nagising, itapat ba naman ni Nissan yung alarm clock sa tenga ko.

"Ugh maaga pa naman eh"

pinagtulakan naman ako nito sa Cr.

"Nissan" sigaw ko dito.

"Oh ano? gusto mo ako pa magpaligo sayo?"

"Oo na, aga-aga pa hmpp" padabog akong pumasok sa Cr. Napakagat-labi naman ako ng maalala ko yung mga pangyayari kagabi, kinikilig tuloy ako.

"Steffie, bumaba ka na daw pagkatapos mong mag-ayos" sigaw ni Nissan. Ano bang meron? may bisita ba kami? Agad naman akong nagbihis at nag-ayos ng sarili nang matapos akong maligo.

Bumaba na rin ako, nagulat naman ako ng makita ko si Tito Rex kausap nya si Omma at Appa.

Napansin naman nila akong pababa kaya pansamantalang natigil ang kanilang usapan. Ngumiti si Omma sa akin.

"Eto na pala si Steffie"

"Steffie, naku ikaw na ba yan, ang ganda ng pamangkin ko hah mukhang artistahin na rin"

"Ehem, syempre kay nino ba magmamana iyan sa kanyang magandang Omma"

"Haha, Hello Tito good morning po" yumuko naman ako dito bilang pag-galang.

"Ang laki na ng pinagbago mo, years na ang lumipas bago ko kayo makita ulit"

"Oo nga po Tito" sagot naman ni Nissan.

"Long time no see Tito" lumapit naman ako dito at nagbeso.

Masaya kaming nag-usap nila Tito maya-maya ay nagpaalam na rin ako dito dahil kailangan ko ng pumasok.

**Graham University

Masaya akong pumasok sa G.U , napako naman ang aking tingin sa mga lalaking sumasayaw, napangiti naman ako dito, for the first time ngayon ko lang sya nakitang sumayaw at isa pa sya pa ang choreo. Kinuha ko naman ang cp ko at nagpatuloy sa paglalakad, umupo naman ako sa nakitang kong upuan sa corridor. Sa kinakaupuan kong iyon ay palihim ko siyang tinitignan.

Tinext ko naman sya.

Me:

Galing ni puff hah!

Nagtago naman ako pagka-sent ko ng message. Huminto naman sya sa pag-sayaw, lumingon-lingon muna sya sa paligid at ngumiti atsaka nag-type ng ire-reply sa akin.

From: Puff <3

Nanonood ka Kitty? kahiya naman. hindi pa naman ako marunong sumayaw.

Napa-Sms naman ako dito, Slow motion smile.

Me:

hindi daw, wew! galing mo kaya puff ayiiieeeee XD

tinignan ko naman ang reaksyon nito.

From: Puff <3

Nakakahiya naman Kitty, hindi kaya ako magaling sumayaw, teka nasaan ka nga pala?

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon