Chapter 21: The Way

136 16 2
                                    

Chapter 21: The Way

 

Steffie's Pov

"Best, Paano mo nalaman na nandoon ako sa comfort room?"

"Kasi ano uhm sinabi sa akin ni Matteo"

Natahimik naman ako bigla.

"Best, Goodluck hah! Galingan mo sa foundation day"

"Oo naman, Wala makakatalo sa Dyosa"

"Steffie"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin, Nawala ang ngiti ko ng nakita ko siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" natahimik din si Lucy at napa-ismid.

"Ok sige" tumayo ako sa pag-kakaupo.

"Best" tumango si Lucy.

Sinundan ko sya papuntang rooftop.

Nang makarating na siya sa rooftop atsaka lamang ito huminto sa paglalakad.

"Ano bang pag-uusapan natin? bakit dito mo pa ko dinala?"

"Sorry"

"Ok"

"I'm sorry Steffie, Sorry kasi sinaktan kita at niloko"

"Past is Past, Atsaka naka-move on na rin naman ako sa Nangyari"

"I still love you"

"Sinungaling"

"Totoo iyon, Kaya nga gusto kong humingi ng second chance"

"Ganyan ba kakapal ang mukha mo? Chance ba kamo? I'm sorry Water pero ayoko na, hindi na kita mahal, Sinayang mo ang pagmamahal na ibinigay ko sayo noon at pinaglaruan yung damdamin ko, tapos ngayon babalik ka para pag-laruan ang buhay ko!"

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin dalawa.

"Kung iyan lang din naman ang sasabihin mo mabuti pa mauna na ako"

"Steffie" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at sinandal sa Pader, nabigla ako sa ginawa niya.

"I'm sorry"

"Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong dito.

"Chill lang Steffie"

"B-bitawan mo ko" Nanginginig na yung tuhod ko sa takot, kakaiba kasi ang aura nya parang may hindi sya magagandang gagawin.

May kinuha siyang syringe sa bulsa nya.

"Water" Nanginginig kong sabi dito.

Ngumiti ito ng nakakaloko.

"Bitawan mo ko" Nanlalaban kong sabi dito pero hindi sapat ang lakas ko para maitulak sya.

Unti-unti niyang nilapit sa braso ko ang syringe, atsaka ito tinurok.

Nakaramdam ako ng pagkahilo, at unti-unting nagdilim ang paligid ko.

Sterrine's Pov

Nakaupo ako ngayon sa sofa, seating pretty ang dyosa, buti naman di na nangulit yung Dark na iyon. Kumuha ulit ako ng mangga atsaka ito binalatan.

Nagambala naman ako dahil narinig kong tumunog ang Cellphone ko.

Si Shai tumatawag, Tss ano bang kailangan ng mga kumag na iyan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabalat ng mangga.

Ang asim, ang sarap. Nagulat naman ako sa dumating.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon