Chapter 40:
Steffie's Pov
Kanina pa ko nagdo-door bell, kaso nang makita kong bukas na yung gate naisipan kong pumasok na lang. Hinanap ko si Matteo at nakita ko siya sa kitchen. Nakita kong nakahawak siya sa pisngi ni Irene at pagkatapos niyakap niya ito, akala ko nga hahalikan niya ito, timer din itong lalaking ito, kami pa lumalandi na. Ang sakit hah! hampas ko kaya sa kanya itong vase. Ang sakit talaga parang binibiyak yung puso ko. Sila na ba? nagkabalikan na ulit sila? paano ako? Sabi ko na nga ba hindi niya talaga ako mahal rebound niya lang ata ako para makalimutan si Irene kaso mahal niya pa rin pala ito.
Pahinging martilyo pukpukin ko sila eh, saklap. Parang ang sarap nilang pagbuhulin at ipatapon sa bermuda triangle ng lapain sila doon ng mga pirana. Bombahin ko kaya sila ng nuclear bomb, or ipakidnap ko kaya si Irene, tapos pa-torture ko. Agad naman akong bumalik sa realidad baka kasi mapatay ko sila sa isip ko.
Humingi ako ng sorry ng makita ako ni Matteo, syempre nakaabala kaya ako sa paglalandian este moment pala nila. Mas mabuting umalis na lang ako pag nakikita ko kasi silang dalawa kumikirot yung dibdib ko. Yumuko na ako sa mga ito at tumalikod sakto naman kumawala na ang mga luha ko. Pinunasan ko naman ito habang naglalakad papalabas ng pinto. Ganoon ba talaga pag nagmamahal hindi maiiwasan hindi ka masasaktan. Ang sakit lang kasi talaga. Ang landi ni Matteo kami pa may kayakapan na, timer siya at ang malupit pa doon ex niya pa. Hindi ba ang ex di na dapat binabalikan, parang old logic lang iyan na kapag nalaglag na yung kendi hindi na dapat pang pulutin. Nakakainis talaga aish! damn! madapa sana sila tapos mahalikan nila yung sahig. Nagulat naman ako ng may nanghila sa akin sa wrist at niyakap ako. Nagsawa na siyang yakapin si Irene tapos ngayon ako naman, ayos din pala itong lalaki na ito.
"Bitawan mo ko" sabi ko dito. Hinigpitan niya pa lalo yung yakap.
"Ano bang ginagawa mo?" sabi ko dito habang kumakawala sa yakap niya.
"I'm sorry" sabi niya, namumula na pala yung mata ko umiyak kasi ako.
"Bitawan mo na ako, alam ko naman ginagamit mo lang ako"
"Mas maganda siguro kung palayain na natin ang isa't-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan.
"Mahal kita" sabi niya ng matapos niya kong halikan.
"Ano bang pinagsasabi mo?" naluluha kong sabi.
"Ikaw nga itong kung ano-anong sinasabi eh!"
"Anong ako!" nakakainis din itong lalaki na ito.
"Mahal nga kasi kita" seryosong sabi ni Matteo, kinikilig ako. Nanlalaki mata ko hindi kasi ako makapaniwala.
"Totoo? wag kang ganyan baka maniwala ako" pinitik niya ko sa noo.
"Dapat lang na maniwala ka"
"At bakit naman?" ang ewan ko rin, bangag pa ata ako.
"Tss. dami pang tanong eh"
"Ba't ang sungit mo?" nagtataray kong sabi.
"Tinatanong pa ba iyan syempre gwapo ako"
"Gwapo? Oh my gawd hindi ako na-informed hah!" tapos nag-smirk ako dito.
"Ay ewan" tapos naglakad na siya papasok.
"Tignan mo nga naman itong lalaking ito" binato ko siya ng tissue paper na galing sa bag ko.
"Aray tsk" lumingon siya tapos sinamaan ako ng tingin. Nilapitan niya ako, sobrang lapit. Magkalapit na yung mukha namin sobrang lapit as in, ilang inch na lang kaya naisipan kong pumikit.
BINABASA MO ANG
The Destiny
Teen FictionNOTE: Read until the last chapter, sorry for the typos,and grammatical errors, I highly appreciated if you give some votes and comments every chapters of this story:) then for return, I'll give you a dedication. Status: (completed and editing)