Chapter 20: Epic

141 16 0
                                    

Chapter 20: Epic

 

Sterrine's Pov

Hindi ko na lamang sila pinansin, bagkus ay nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng mangga.

"Hinay-hinay lang para kang naglilihi hah!"

"Manahimik ka nga! Ang ingay mo"

"Highblood ka naman masyado kapatid"

"Shokoy ka Yohan! Wag mo nga akong Asarin"

"PMS ka ba kapatid? naku po maaga kang tatanda iyan"

Binato ko siya ng Tissue paper.

Lucy's Pov

Nandito kami ngayon sa pamilya Fortune, dito na kami kumain ng dinner, inimbitahan kasi kami ng Mommy ni Winston at eto kami ngayon parehas na-oop. Ang mga magulang lang naman namin ang nag-uusap.

"Bored?" Tanong sa akin ni Winston.

"Medyo" Mahina kong pagkakasabi dito dahil magkatabi lang naman kami. Nag-excuse naman siya sa Mga magulang namin. Tumango naman sila.

"Halika" Iniabot nya naman yung kamay niya sakin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito.

"Sa Terrace, Malawak naman iyon"

Sumunod na nga ako dito.

patuloy lang akong naglakad.

may nakita naman akong isang lamesa na may dalawang upuan. sa gitna ng lamesa may kandila at may nakahain din pagkain. ang liwanag ng paligid dahil sa mga nakapalibot na kandila, at mga rosas. Pero nasaan na ba yun si Winston?

Naupo muna ako habang pinagmamasdan ang kalangitan, may nakita naman akong telescope kaya naman naisipan kong lumapit doon at sumilip sa eye piece, nagulat naman ako sa nakita ko, Wow! Shooting Star, agad akong pumikit, at Nag-wish. Sana Matupad yung kahilingan ko. ang tagal naman niya, saan ba iyon nagpunta, Inaantok na ako. ang lamig na rin pala dito, sa bagay malapit ng mag-pasko. Iidlip nga muna ako, iniyuko ko ang ulo ko sa lamesa.

Winston's Pov

Tinawag ko na sila, para naman maging romantic yung Dinner namin ni Lucy. Nahihiya nga ako kasi kakantahan ko siya, Actually Alam na ito ng mga parents namin, kaya nga may sari-sarili silang mundo kanina eh! Naglakad na ako papuntang terrace, At tagal nya rin palang naghintay doon, Naku naman ayaw pa naman niyang naghihintay ng Matagal, baka mamaya umuwi na iyon kasi na-bored.

pagpasok na aninag ko naman siya, nakaupo doon sa inihanda ko.

"Pre" Nag-umpisa na silang tumugtog, habang papalapit naman ako sa kinaka-upuan ni Lucy Dala ang isang Bouquet ng Rose.

Bakit ang tahimik nya, himala.

Nakita ko siyang nakayukyok sa lamesa, Nilapitan ko siya agad, Pambihira nga naman, Nakatulog na siya sa sobrang paghihintay sa amin ng Matagal.

"Uy! Pre" Nagsilapitan naman sila atsaka tumawa ng malakas.

"Wow! Hahaha Epic! Nakatulog si Lucy" napa-iling na lang ako sayang ang effort ko, hindi ko na sya ginambala gisingin, binuhat ko na lang ito at inihiga ng maayos sa aking kama atsaka nilagyan ng kumot.

"Ang tagal nyo kasi" sabi ko dito.

"Ligtas ka Yul, Hindi ka makakanta haha" Mga baliw itong mga ito, first time ko nga lang itong ginawa, epic pa, Tsk. tsk.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon