Chapter 33:

105 5 0
                                    

Chapter 33:

 

Hindi pa rin ako mapalagay kaya pinuntahan ko si Omma.

"Steffie" naupo ako sa kama niya.

"Omma, gusto ko pong malaman ang dahilan"

"Steffie, pasensya na pero--"

"Omma" hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Please" sabi ko dito. huminga sya ng malalim.

"Pabagsak na ang kompanya natin noon, dahil sa pamilya nila Matteo, Upang makaganti at muling makaahon ang kompanya, pinautos ng Tito Rex mo na sunugin ang

Hotel at Resort nila, nandoon ako ng mangyari ang sunog, naroon ang pamilya nila, Nailigtas ko si Sterrine, Agad akong lumabas. Nakita ako ng Tito Rex mo, ipapaampon niya sana si Sterrine, hindi ko alam na ipinagbubuntis na pala kita noon, dahil wala naman akong anak na babae, Inampon ko siya. Pumunta sila sa ibang bansa kasama ang kuya mo, nagpaiwan na lamang ako dito, at dito ka ipinanganak. Nang nabalitaan nilang bumagsak na ang kompanya ng mga Collins, nasira na ang pamilya ni Albert, bumalik sila sa Pilipinas"

"Collins?" nagtataka kong tanong kasi nga Douglas ang apelyido ni Matteo.

"Zyrill Douglas Collins ang buong pangalan ng ina ni Matteo, hindi namin alam kung bakit iniba ni Matteo ang apelyido nya. Matteo Eivan Douglas Collins, ang totoo niyang pangalan" hindi ako makaimik sa mga nalaman ko.

"Alam na ba ni Ate?" umiling si Omma.

"Please Steffie, wag na wag mong sasabihin kung ano man ang nalalaman mo, Mahal na mahal ko si Sterrine, ayoko siyang mawala sa akin"

"Paano kami?" maluluha kong sabi.

"Kayong lahat ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon sa buhay nila"

"I'm sorry anak" niyakap ako nito.

"Kamumuhian niya ko, Ano ng mangyayari sa akin, lalo na't pag nalaman niya ang totoo. Omma, Mahal na mahal ko po siya" umiiyak kong sabi dito.

"Lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan, alam kong malalaman nya rin ang lahat" sabi ko dito.

"I'm so sorry, kasalanan namin ang lahat" sabi nito. Lumabas na ako ng kwarto. Buong araw nagkulong muna ako sa kwarto ko, wala akong ganang pumasok, ayoko rin lumabas. Pinatay ko yung Cp, alam kong tatawag siya.

"Steffie" narinig kong sigaw ni Nissan, kinalabog niya ng kinalabog ang pinto, nagtalukbong lamang ako ng kumot.

Jessie's Pov

"Lucy" masaya kong bati dito.

"Omg, Jessie" niyakap niya ako sa tuwa.

"How are you?" sabi nito.

"Ok lang naman" ngumiti ako dito.

"Si Steffie?" tanong ko dito.

"Wala siya, ilang araw na siyang hindi pumapasok, naka-off naman yung cp nya"

"Pinuntahan nyo na siya?" tanong ko dito.

"Tinawagan ko si Yohan, sabi niya nagkukulong lang daw ito sa kwarto niya, sabi ko nga pupuntahan ko si Steffie, pero tumanggi sya" sabi nito.

"Ano na bang nangyayari doon?"

Nagulat naman kami sa dumaan, si Steffie. Dinaanan nya lang kami.

"Teka si Steffie yun diba?" tumakbo si Lucy.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon