Chapter 16:

154 22 0
                                    

Chapter 16:

maaga akong pumasok na parang walang nangyari kahapon, nakakasawa maging mahina, gusto ko tuloy ibalik yung dating Steffie na spoiled brat, mataray, masungit, at walang pakialam sa tao sa Paligid nya. gusto na rin m-makipagbreak kay Matteo, masakit Oo, pero nakakasawa na pagod na ako, 18 pa lang naman ako marami pang mangyayari sa buhay ko, hindi ko kayang lumaban kasi alam ko naman Mahina ako,  hindi na rin nag-wowork ang relationship namin, siguro hindi nya talaga ako Mahal kasi ang talagang mahal nya si Irene, ginamit nya lang siguro ako para makalimutan ang Ex nya, saklap ng buhay, pinaglalaruan lang din ata kami ng tadhana. kaya dapat siguro itigil na namin ang relasyon na ito, gulong-gulo na ang isip ko nagtatalo ang puso at isipan ko, tao lang din ako, napapagod at nasasaktan. kaya sana wag nyo kong sisihin sa pinaggagawa ko, napakahirap palang pumasok sa isang relasyon,

"Steffie" tawag sakin ni Lucy, lumapit ito sa Akin ng nakangiti,

pumunta kami sa Cafeteria ni Lucy.

bumili ng kami ng coffee at pancake.

"Best, ano nang balak mo"

tumikhim naman ako sa pancake.

"Makikipagbreak"

"What?" sabi ni Lucy na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Seriously!"

"Yes" Sabi ko

"Steffie"

"Buo na ang desisyon ko, Pagod na kasi ako"

"Ganoon na lang iyon, Nag-paapekto kayo kay Water, Eh ako nga kahit alam kong May Gusto sayo si Winston, hindi ako tumigil na mahalin sya"

"kaya nga bilib ako sayo, Buti ka pa" nakangiti kong sabi dito.

"Wala, Lucy hindi ko kaya"

"Steffie, wag ka ngang padalos-dalos, mag-isip ka nga, sa relasyon kailangan mong maging matatag, no matter what! malalagpasan nyo rin yan mga hindrances sa buhay nyo"

"Best, pumapag-ibig"

"Hahaha, Best kaya nyo yan, maayos nyo iyan, ba't di kayo mag-usap, pag-usapan nyo yan problema nyo"

"Iniiwasan ko na nga sya eh"

"Hay! kung patuloy kayong mag-iiwasan walang mangyayari, better to talk to him Steffie"

"Eh, Best"

"Kakausapin mo lang"

"Naiinis ako sa kanya eh" Pagmamaktol ko dito.

"Ang kulit mo Best, Bahala ka siguradong magsisi ka pag inagaw na sya sayo"

Natahimik naman ako.

Napaisip ako sa sinabi nya, Tumingin ako kay Best na ngayon ay kinakain pa rin ang pancake nya.

"Lucy" narinig kong tawag ni Winston.

"Winston"

"How are you Steffie? masakit daw ulo mo kahapon, kaya maaga kang umuwi"sabi nito tapos umupo sa tabi ni Lucy.

"Maayos na ang pakiramdam ko"

"Stress si Best, ang gulo ng lovelife nya" sabi naman ni Lucy.

"Oo kainggit nga kayo eh" sabi ko.

"Huh?" sabay nilang sabi parehas pa silang nagkatinginan, na sabay nilang binawi, ayiee namumula si Best.

"Best, namumula ka"

"Hah! ah k-kasi ano, mainit oo mainit" ipinaypay nito ang kanyang kamay.

"Hahaha Asus!"

"basta best, kausapin mo sya hah!"

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon