Chapter 23: Pick up lines

141 13 0
                                        

Chapter 23: Pick up lines

 

Grabe talaga si Best, pauwi na kami ngayon.

"Sakay na" pag-aaya ni Matteo.

"Dala mo pala yung kotse mo?"

"Yeah"

sumakay na nga ako sa kotse nya sa passenger seat na ko sumakay.

"Mag-seat belt ka?"

"bakit?"

"Anong bakit?"

"Ay akala ko pick up lines"

Lumapit sya sa akin at sya na mismo ang nag-suot ng seatbelt.

"Ano nga ulit ang sabi mo? pick up lines?"

"Oo, Marunong ka?"

Nag-kibit balikat naman ito.

"Magaling ka ba sa Filipino?"

"Oo, bakit?"

"Itatanong ko lang sana, pag pinagsama ang panghalip na ikaw at ako may pag-asa kayang maging tayo"

"Bumabanat ka hah!"

"Naman" Taas noo kong sabi dito.

"Alam mo Matteo, ang lampa mo. Tatawid ka na nga lang sa isip ko, nahulog ka pa sa puso.

"Ow" sabi ni Matteo.

"Ang laki ng pinagkaiba nyo ni Dr.Rizal" sabi ko.

"Syempre mas gwapo ako kay Dr. Rizal"

"Hindi rin"

"Eh ano?"

"Kasi si Dr. Rizal nasa piso--"

"Anong connect?"

"Patapusin mo muna ako okay? Siya nasa piso, pero ikaw nasa puso ko"

"Hahaha"

"Kinilig ka?"

"Tss."

"Ang sungit mo na naman, Eto pa pick up lines"

"Maglaro tayo ng kahit ano, wag lang taguan?"

"Ayoko"

"Sabihin mo bakit?"

"bakit?"

"Kasi 'A boy like you is impossible to find"

"Wow Umi-english!" sabi ni Matteo.

"Ang pangit mong kiligin" Mataray kong sabi.

"Assuming much"

"Tss. ewan ko sayo napaka-kj mo"

"Galit ka?" umismid ako dito.

"Alam mo Steffie, para sayo magiging orasan ako" tinignan ko naman sya ng 'Anong sinasabi mo look' habang nakataas ang isa kong kilay.

"Laging pakanan at hinding-hindi mangangaliwa"

"Aba dapat lang, Sa ganda kong ito mangangaliwa ka pa."

"hahaha" tawa sya ng tawa habang nagmamaneho.

"Ewan ko sayo" umismid ako at inilipat ang tingin sa bintana.

"Ang pikunin naman nito"

"Bakit ikaw hindi? Ang sungit mo nga"

kinuha nya naman yung kamay ko.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon