Chapter 26:
Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkwe-kwentuhan. Maya-maya nagpaalam na rin ako at tumungo sa next subject ko.
3rd person’s Pov
Tuwang-tuwa at nanabik naman si Irene na makita ang kanyang pinakamamahal, pero sa ngayon, nagpapahinga muna sya sa bahay ni Green. bukas ang araw ng mga puso, panigurado maglilipana na ang mga lovers sa paligid na ikakairita ng mga bitter. Sa kabilang banda si Steffie naman ay nasa silid nya lamang at nakatulalang nagmamasid sa ceiling. Iniisip nya kasi si Matteo, ni hindi manlang kasi siya naka-received ng text dito, naisipan niyang libangin ang sarili, imbis na magmukmok sa isang tabi, lumabas na lamang sya sa kanilang bahay, upang magpahangin na rin,
Dinala sya ng kanyang mga paa sa park, naupo sya sa isa sa mga bench doon at tumingin sa langit habang ini-enjoy ang malinis at sariwang hangin, nagulat naman sya ng may narinig siyang yabag ng mga paa, kaya naman agad syang napadilat.
"Anong ginagawa mo dito?" sabay nilang turan.
Umupo naman ito sa tabi nya, umusog naman si Steffie.
Nang una ay halos paghinga lamang nila ang tangi mong marinig ngunit ng kinalaunan ay binasag din ni Water ang katahimikan.
"Steffie" hindi lumingon si Steffie sa halip ay inilagay lamang nito ang dalawang kamay sa kanyang batok.
"Bakit?"
"Sorry ulit hah!" tumango na lamang si Steffie.
"Alam ko naman wala na kong pag-asa pa sayo, atsaka masaya na kong nakikita ka rin masaya"
"Past is past" sabi ni Steffie, inilahad nya naman ang kanyang kamay.
"Friends?" napangiti naman si Water at nakipagkamay kay Steffie.
"Sure, friends" sagot ni Water.
maya-maya ay nakaramdam sila ng patak ng ulan, walang mga bituin sa kalangitan, agad naman silang napatakbo sa Tree house bago pa tuluyan bumuhos ang malakas na ulan, Napahinto si Steffie sapagkat naalala nya na naman ang mga masasayang alaala nila ni Water sa tree house na iyon. Hinintay nya lamang tumila ang ulan para makauwi na sa kanila. Hindi na kumibo bagkus ay natahimik na lamang si Steffie sa pagkat alam niya na kapag nagsalita siya'y mapag-uusapan na naman nila ang kanilang nakaraan na ayaw ng balikan at pag-usapan ni Steffie.
Maging si Water ay nanahimik na lamang at tila nag-iisip ng pwede nilang pag-usapan. Tumila na nga ang malakas na ulan kaya naman nagpaalam na si Steffie kay Water, tumanggi naman si Steffie ng alukin sya nitong ihatid sa kanilang bahay.
Kinabukasan
Sa Unibersidad ng Graham ay makikita ang mga naglilipanang mga lovers, mga pulang puso na tsokolate, stuff toys at syempre hindi makukumpleto ang pagdiriwang ng araw ng mga puso kung wala ang rosas na nagsisimbolo ng pagmamahal.
Kung may mga taken syempre may mga single, kung may sweet naman may mga bitter din na walang ginawa kundi ang pagsasabi ng "Walang forever, Magbre-break din kayo" ang sarap nilang batuhin ng ampalaya ano? Araw ng mga puso ngayon Hindi nutrition month, masyado yata nilang naging paborito ang gulay na ampalaya.
Napataas kilay na lamang si Steffie habang dumadaan sa hallway, nakakairita man sa kanyang paningin ang mga lovers na naghaharutan ay pinili na lamang ito na wag lamang pansinin. Sumagi naman sa kanyang isipan si Matteo, hindi pa rin kasi ito tumatawag at hindi nya na rin ito nakikita. Nakaramdam tuloy sya ng pagka-miss, busy pa rin kasi ito hanggang ngayon kaya wala na itong oras para sila'y makapag-usap at magkita sapagkat maging sa oras ng break ay hindi naman lumalabas si Matteo at pagdating naman ng kinagabihan ay wala na rin silang pagkakataon magka-usap.
BINABASA MO ANG
The Destiny
Teen FictionNOTE: Read until the last chapter, sorry for the typos,and grammatical errors, I highly appreciated if you give some votes and comments every chapters of this story:) then for return, I'll give you a dedication. Status: (completed and editing)