Chapter 28:
Rachel's Pov
"Wala akong sinabi" mariin kong sabi dito.
"Talaga lang" hinawakan nya ko ng mahigpit sa braso.
"O-oo wala"
"Siguraduhin mo lang, pasalamat ka at anak ka ng matalik kong kaibigan" Oo na trinaydor at pinatay mo.
"Lalabas at lalabas din ang katotohanan malalaman din nila na si--"
"Hindi lalabas ang katotohanan kung hindi ka magsasalita"
"Kayo ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila! kung bakit bumagsak ang kompanya nila"
"Wala ka ng pakialam doon atsaka kasabwat ko ang ama mo"
"Walanghiya ka" nakaramdam ako ng matinding galit sa taong kaharap ko.
"Subukan mong magsalita Rachel, sinisigurado kong susunod ka sa hukay ng iyong ama" nangingilid na ang luha sa aking ama.
"Bakit niyo ginawa iyon?"
"Simple lang kung masisira ang pamilya nila di nila mabibigyan tuon ang kumpanya, atsaka dapat lang iyan sa kanila, kung hindi namin iyon ginawa ngayon siguro gumagapang na tayong lahat sa hirap, Palugi na noon ang kumpanya dahil sa pamilya nila"
"Bakit sya inaampon ni Ms. Caize?"
"Simple lang kaysa ipapatay ang bata o ipunta sa ampunan, tutal wala pa naman anak ang aking hipag binigay ko na lang sa kanila ang bata"
"Alam nyo ba ang ginagawa nyo, I-ikaw s-siguro ang dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang!!"
"Shut up Rachel, lumayas ka na dito, masyado ka ng maramaning nalalaman" naninigas ang mga kamay ko, Oo alam kong masama ako pero mas masama sila mas masahol pa sila sa demonyo Ang magulang ni Steffie at ang Tito nya ang may kasalanan ng lahat.
Naniningkit ang mata kong nang lumabas sa kanyang opisina, nakasalubong ko naman si Yohan at tinignan ako nito ng may pagtataka, napaisip tuloy ako kung alam niya na. Pero kung sakali man wala munang makakaalam nito. Alam ko naman hindi nila ako paniniwalaan kagaya na lamang ni Sterrine, na iniisip na kabaliwan at walang katotohanan ang sinabi ko.
Jessie's Pov
Nasa Mall ako ngayon para sana bumili ng mga bagay na gagamitin ko sa aking mga projects.
"Ah ok sige, ako ng bahala sa lahat, Ok bye" napatago naman ako ng marinig ko ang boses nya buti nandoon ako banda sa may mga libro, yumuko na lamang ako para di nya ako makita.
"Nandiyan pa kaya sya?" nagtingin-tingin ako habang nakayukong naglalakad nagulat naman ako ng mauntog ako sa matigas na bagay sa book shelf kaya naman nalaglag ang ilan mga libro, Dali-dali ko itong pinulot habang pinupulot ko ito may nakita naman akong dalawang paris ng sapatos sa harapan ko, inangat ko ang aking ulo ara malaman kung sino ang nagmamay-ari nun. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla, nakaramdam ako ng kaba. Ngumisi naman si Yohan.
"Long time no see" kinindatan naman ako nito, umismid lamang ako dito at nagpatuloy sa pagpulot ng mga libro. Nagmamadali na ako dito para lamang matakasan ang aroganteng lalaking ito.
"Tsk" sabi nito.
"TInitingin-tingin mo dyan?" tinaasan nya ako ng kilay, aba naman napaka-arogante at napakayabang nya talaga ni wala manlang ka-gentle-gentle man sa katawan. Hindi nya manalang ako tinulungan, Ng matapos ko na itong ayusin medyo yumuko naman ako at dinaanan lamang sya.
BINABASA MO ANG
The Destiny
Teen FictionNOTE: Read until the last chapter, sorry for the typos,and grammatical errors, I highly appreciated if you give some votes and comments every chapters of this story:) then for return, I'll give you a dedication. Status: (completed and editing)