Chapter 24: Expect the unexpected

150 11 0
                                    

Chapter 24: Expect the unexpected

 

Pagkatapos namin kumain, pumunta naman kami sa restaurant nila Winston. Nagugutom na ko, Naghanap muna kami ng table.

At namili.

Nakita ko naman si Tita Zyrill, mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at nilapitan sya.

"Hi Tita"

"Oh hi Lucy"

"Kamusta na po kayo Tita?" tumayo din si Steffie.

"Maayos naman"

"Hello po Tita" bati ni Steffie.

"Hello dear"

"Join us Tita" sabi namin ng sabay ni Steffie.

"Sure" naupo naman si Tita.

"So, kamusta? Steffie, I heard kayo daw ng anak ko?"

"Huh? Tita?" sabi ko.

"Si Matteo"

"Ok lang po Tita, totoo po talagang anak nyo sya?"

"O-oo" natahimik naman si Steffie na para bang may iniisip.

"Mag-magkapatid po ba sila ni Winston?"

"Hindi sila magkapatid ni Yul"

tumingin naman sya sa akin,

"How about you Lucy? kamusta na kayo ni Yul"

"Ahmm m-maayos naman Tita, kahit papaano may nagbago di katulad noon"

"Glad to hear" nakangiti nitong sabi

Dumating na yung order, kaya naman kumain kami ng tahimik.

Nagpaalam na rin kami sa isa't isa matapos namin kumain.

"Steffie" tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.

"Problema mo?"

"W-wala sungit naman"

"Tss"

Tumunog naman yung cp nya.

"Hello, Winston"

Natahimik naman ako, buti pa si Steffie tinatawagan pero pag sa akin kahit text wala manlang.

"Sure" nakangiting sabi ni Steffie, binaba nya na yung phone nya at inilagay sa pouch.

"Tara na" napakibit-balikat na lamang ako. Oo inaamin ko na nag-seselos ako kay Steffie, iba kasi yung pakiramdam ko. Para kasing basta natatakot ako, natatakot ako maagaw nya sa akin si Winston.

Nakalabas na kami ng Mall, nakita ko ulit yung girl na nakabanggaan ko kanina. Ano nga ulit yung name nya? Aileen ba? ay Irene? Oo Irene nga.

"Hoy halika na"

"Ah w-wait" Sumakay na nga ako sa kotse ni Yohan.

"Kay Yohan ito diba?" sabi ko na ang tinutukoy ay ang kotse.

"Oo, Bakit?"

"Buti pinahiram nya" nagkibit-balikat lamang si Steffie.

"Ah Steffie, Matanong ko lang, B-bakit tumawag si Winston?"

"Wala, nagpapatulong lang"

"Tulong? ng ano?" hindi na lamang sya umimik at nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Nakaka-curious, Ano kaya iyon? bakit kay Steffie pa sya humihingi ng tulong, pwede naman sa akin diba.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon