Chapter 22: Socratic Method

153 13 3
                                    

Chapter 22: Socratic Method

Steffie's Pov

"Hoy best! buksan mo ito!" ano ba naman kalokohan ito! nakakainis lang hah! pinagsisipa ko na ito para mabuksan pero wala pa rin. Mukha na nga akong ewan. ang sakit ng paa ko. Napaupo na lamang ako sa sahig at pumirme sa isang sulok.

Wala naman imik si Matteo, nakaupo lang sya doon sa upuan na kanina'y inupuan ko. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang batok at nakapikit naman ang kanyang mga mata. Tignan mo nga naman ang tao na ito, wala talagang pakialam sa paligid. Syete! gusto ko talagang makalabas dito. Muli kong kinalampag ang pinto.

"Best! Ano ba, Palabasin mo na ko dito. Lucy! talagang hindi kita mapapatawad! Best please"

"Tss. Ang ingay mo!"

"Anong paki mo!" sigaw ko dito.

"Wala naman mangyayari kahit magsisigaw ka dyan"

inismidan ko naman sya.

"Sa gusto ko, may magagawa ka?"

nanahimik na lang din sya. Hindi nga kami makapag-usap ng matino.

"Iyan ang hirap sa inyong mga Babae, Tsk. Napakahirap ninyong spellingin"

"Ehem excuse me Mister, hindi nyo lang talaga kami maintindihan, palibhasa mga manhid at walang ginawa kundi mag-paiyak ng Babae"

"Mag-paiyak ng Babae? para kayo lang ang may damdamin, nasasaktan din kaya kami"

"Nasasaktan din pala kayo?"

"Malamang, tingin mo sakin Bato?"

"Oo, sarap mo kasing ipukpok" sabi ko naman dito. Nanahimik naman siya.

"Oh ba't nanahimik ka?"

"Ayoko lang makipagtalo sa babae"

"Makipagtalo? haha eh talo ka na kaya"

"Tss." ang sarap nya talagang pag-tripan at pikunin.

Nakaramdam naman ako ng gutom.

tsk. kumakalam na yung tiyan ko, yung mga alaga ko nagwawala na.

"Oh" may hinagis naman sya sa akin kaya natataranta ko itong sinalo.

"Chocolate?"

"Oo" sabi nito.

"Mahilig ka pala sa Chocolate"

"Hindi, binigay iyan sa akin kanina ni Sherene"

"Ah ok, thanks" binuksan ko na yung Chocolate.

"Hindi ka ba nagugutom?"

"Tsk. wag mo na akong alalahanin, kumain ka na lang diyan"

"Assuming naman ito, para nagtatanong lang"

"Daldal" sabi nito.

"Anong magagawa mo? ganito talaga ako" nagtakip naman sya ng tenga.

"Sus! May patakip-takip pa, Anong drama iyan?"

"Shut up please"

"Ayoko nga, Ano ka boss?"

"Yeah I'm your boss, so you must obey my orders"

"Why would i? ano ka sinusuwerte?"

"Matagal na kong swerte"

"Whatever" mataray kong sabi dito.

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon