Chapter 37: Concern

127 6 0
                                    

Chapter 37:

Shai's Pov

Nakakapagod ang daming mga projects ang pinapagawa.

"Manang" binaba ko muna yung bag ko sa couch, antahimik hah.

"Good Afternoon Mam"

"Nasaan si Sterrine?"

"Mam, hindi pa po siya bumabalik simula nang nag-grocery siya kanina"

"What?" nagulat naman ako. Umakyat naman ako sa taas at pumunta sa kwarto niya para sana tignan kung nandoon pa ang mga gamit niya. Naroon pa rin naman, nasaan na kaya yung babaeng iyon? Nagsimula na akong kabahan, Imposible naman maligaw si Sterrine. Naisipan ko naman pumunta sa Mall, baka kasi hindi siya makauwi dahil kulang na siya sa pamasahe. Halos nalibot ko na ang buong mall ngunit hindi ko pa rin makita si Sterrine. Nagpatulong na ako sa paghahanap pero wala talaga.

"Omg Sterrine, Nasaan ka na ba? siguradong ako ang sisisihin ng mga iyon"

"Mam, kung i-report na lang po kaya natin siya sa police" napa-face palm ako. Hindi kaya bumalik na siya sa bahay nila, sana nga kaya lang napaka-imposible. Nagdadalawang-isip na ako kung dapat ko ba silang tawagan, at ipaalam ang lahat. Natatakot kasi ako at kinakabahan.

Sa huli napagdesisyunan ko rin tawagan na lamang ang mga ito, hindi na kasi mapanatag ang loob ko.

(Shai)

"Steffie"

(May balita ka na ba kay Sterrine, Alam mo ba kung nasaan siya?)

"Steffie kasi ang totoo nasa bahay si Sterrine"

(Talaga nasa inyo siya?)

"Oo kaso ano kasi Steffie, simula kaninang umaga nang nag-grocery sya hindi pa siya bumabalik"

(What do you mean? Nawawala ulit siya)

"Steffie, nakita daw sa cctv malapit sa labas ng Mall na may kumuha kay Sterrine sakay ng Van"

(You mean na-kidnapped siya ganoon?)

"Yeah" kinakabahan kong sabi. Hindi ito nagsalita ng ilang minuto, hindi naman mapakali si Tita sa kakatanong dito.

(Sino naman kukuha sa kanya? Bakit?)

"I'm sorry" napayuko ako ng kaunti, feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit siya na-kidnapped tapos hindi ko sinabi na nasa bahay si Sterrine kanina.

Matteo's Pov

"Tatlong araw na daw nawawala si Sterrine"

"Oo nga Khain" sabi ni Angie.

"Diba naglayas siya?" sabi naman ni Rhoda.

"Oo at eto pa kaya daw naglayas si Sterrine kasi nalaman niyang ampon lang siya" sabi ni Jhenny.

"What? like Omg" matawa-tawang sabi ni Dianne.

"Baka buntis si Sterrine" sabi ni Rizza.

"Gaga, hindi ampon nga kasi siya" pagpipilit ni Angie.

"Shunga, na-kidnapped daw si Sterrine" sabi ulit ni Rhoda.

"Paano mo nasabi?" hindi naman naniniwalang sabi ni Khain.

"Tanungin na lang kaya natin si Shai"

"Tama Dianne baka alam ni Shai" sabi naman ni Jhenny.

"Hayaan nyo na nga siya bagay lang yun sa kanya pare-parehas lang sila ng kapatid niya"

The DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon