Chapter 36
"Ano ng balak mo?" tanong ni Shai sakin.
"Hahanapin ko ang mga magulang ko"
"Bakit pa? Nasa maayos na kalagayan ka na, may pamilya at pera"
"Iba pa rin ang totoo kong magulang, gusto ko silang makilala" seryoso kong sabi dito.
"Ok, sabi ko nga, pero alam na ba nila na alam mo ang lahat" tinignan ko sya sa mukha.
"Shai, sa tingin mo aalis ba ko ng ganitong oras kung alam nila, at kung alam na nila, for sure hindi nila ako hahayaan umalis"
"Yeah" sabi nya.
"Gustong-gusto mo talaga silang makilala ano?" sabi nya, tumango na lamang ako.
Makalipas ang ilang minuto.
"We're here" sabi niya.
"Thank you Shai" niyakap ko siya.
"No problem, halika na" bumaba na kami ng kotse at nagpatulong sa mga maids na kunin ang mga gamit ko. Mag-isa lang si Shai sa bahay nila, yung parents nya kasi lagi rin wala, syempre dahil sa business.
Kahit maldita yan si Shai may tinatago rin kabaitan yan, alam kong ginagawa niya lang naman ang mga bagay na iyon to get her parent's attention, mapagmahal at mabait na anak yan si Shai, kahit di halata. Nakilala ko siya sa park, nilapitan ko siya nun. Inis na inis nga ako sa kanya kasi ang weak-weak niya lalo na sa school, She was bullied. Tinuruan ko siyang lumaban at naging matatag kaya ngayon siya na ang nangbu-bully.
"Sa Guest room yung kwarto mo nandoon na rin yung mga gamit mo" sabi nito habang kinakalikot yung phone niya. Pupunta muna ako sa taas, maaga pa matutulog muna ako.
"Shai, akyat muna ako sa taas"
"Sige matulog ka na lang ulit tutal maaga pa naman" sabi niya habang nakaupo sa couch.
Nakatulog na nga ako, nagising ako ng 8:30. Bumaba na ako , nakaamoy naman ako ng mabango, naisipan ko pumunta sa kitchen nila and to my surprise, nakita kong nagluluto si Shai.
"Wow! marunong ka palang magluto" sabi ko habang nauupo sa table.
"Of course, ako pa" proud to be niyang sabi.
"Teka, papasok ka?" tanong niya.
"Hah? hindi ko alam baka kasi makita ako ni Steffie, siguro hindi na muna"
"Ok sabi mo eh" tapos nagpatuloy ulit siya sa pagluluto.
"Manang, mag-grocery na po ba kayo?" tanong niya dito.
"Mam Shai, ah eh kasi mamaya na lang po siguro" sabi ng maid nya habang buhat-buhat ang pagkarami-raming labahan.
"Shai, ako na lang mag-grogrocery" napatingin siya sa akin at napataas ang kilay.
"Are you sure?"
"Yeah, tutal hindi naman ako papasok, wala rin naman akong gagawin, maboboring lang ako dito"
"Really? Anong nakain mo?" halatang di siya makapaniwala, nag-glare ako dito.
"Ayaw mo?" sabi ko dito habang nakataas ang kilay.
"Oo na, taray mo na naman oh" kinotongan ko naman ito.
"Aray hah!" sabi nya habang nakahawak sa ulo niya.
"Eh tatawa-tawa ka pa diyan, Anong tingin mo sa akin di marunong mag-grocery" pinandilatan ko na siya ng mata para tumigil na siya.
"Oo na, di na ako tatawa"
BINABASA MO ANG
The Destiny
Teen FictionNOTE: Read until the last chapter, sorry for the typos,and grammatical errors, I highly appreciated if you give some votes and comments every chapters of this story:) then for return, I'll give you a dedication. Status: (completed and editing)