"Oh ba't ngayon ka lang?" pagtatanong ni Daddy sa akin.
"Ano po, kasi Daddy" nauutal kong sabi, takot din kasi ako kay Daddy.
"Ano? Naglakwatsa ka na naman. Ang hirap sayo Steffie pinapahiya mo ang pangalan natin, Kailan ka ba titino? hah bata ka" hindi ako umimik. Ganyan naman lagi si Daddy.
"Pagsabihan mo nga itong anak mo" bakit hindi niya ba ako anak? Si Mommy lang talaga.
"Daddy naman masyado ka naman highblood, lagi mo na lang pinapagalitan si Steffie" pagtatanggol naman sa akin ni Mommy.
"Ba't di niya kasi gayahin si Sterrine" Ang hilig nya talaga akong ikumpara sa santa santita kong kapatid, palibhasa di niya naman talaga alam ang tunay na ugali ni Ate Sterrine.
"Iyan ka na naman kinukumpara mo na naman si Steffie kay--" naputol ang sasabihin ni Mommy, at napunta ang kanilang atensyon kay Ate Sterrine na ngayon ay kararating lang.
"Mom, Dad I'm here!" Masiglang bati nito, sumimangot naman ang aking mukha at palihim na napangisi.
"Sterrine how's your school?"
"Very well Dad"
"Oh Steffie, ba't ngayon ka lang?" pagpupuna nya naman sa akin, sus! anong pakialam nya? hindi ko na lamang sya inimik.
"Hay nako kahit kailan talaga, walang pinagkatino iyan kapatid mo, bakit kasi di manlang siya nahawa ng katalinuhan at kabaitan sayo Sterrine, Sa ganoon ay maipagmalaki ko naman siya"
"Dad, bata pa po si Steffie, She's only 17, ganyan talaga ini-enjoy nya lang yung buhay teenager nya." Umismid lang ako. Ka-plastikan nitong kapatid ko, Ang sarap ingudngod ng mukha niya sa banyo, kakainis.
"Sige na Steffie umakyat ka na sa room mo" sabi naman ni Mommy
"Teka lang, Steffie, Nag-hire ako ng tutor para sayo. Siguro naman matututo ka na doon at tataas na ang mga marka mo. Pero eto ang tatandaan mo, subukan mo lang hindi umattend sa tutorial class mo, talagang papalayasin na kita"
"What Dad? Seriously wag niyo naman iyon gawin sa akin. Please, you know I hate tutorial class" sabi ko nang ma'y pag-salungat sa gustong mangyari ni daddy.
"Good! iyan ang paraan para magtino ka. Hayaan mo tuturuan ka rin niya ng magagandang asal, para naman maging high class naman yung dating mo hindi iyon umaakto ka daig mo pa ang hindi nag-aaral. Pinalaki kita at pinagkagastusan, pero anong ginawa mo, puro sakit sa ulo lang ang ginagawa mo. Buti pa ang kuya Yohan mo" see, ang hilig nila akong ikumpara, parang wala manlang akong magandang naidudulot sa kanila, kumbaga wala akong silbi.
"Dad, intindihin nyo na lang po si Steffie, ako na pong bahala sa kanya. Steffie, sige na umakyat ka na sa kwarto mo"
"Yohan, Wag niyo ngang kinukunsinte iyan kaya hindi sya tumitino"
"Dad, Kakausapin ko na lang po si Steffie, wag niyo na po siyang pagalitan" pagtatanggol sakin ng kuya ko.
"Mabuti pa nga sayo lang iyon nakikinig"
Grabe naman si daddy. Paakyat na si kuya, kaya agad akong tumakbo sa kwarto. Si kuya, at mommy lang naman ang kakampi ko sa bahay na ito at nakakaintindi sa akin ng lubos. Mas pinapaburan nga ni daddy si ate at kuya. Ganyan naman sya lagi, siguro nga ikinakahiya nya ako kasi ganito ako. Hindi ako katulad ng kapatid ko na matatalino at maipagmamalaki.
"Steff" narinig ko naman tinawag ako ni kuya, nakarinig din ako ng ilan mga katok.
"Pasok ka kuya"
"Steffie, wag mo nang intindihin yung sinasabi ni Dad. Pagpasensyahan mo na lang siya pwede?" sabi nito habang nakaupo sa tabi ko.
"Don't worry kuyaa, Sanay na naman ako sa kanya. lagi naman siyang ganyan."

BINABASA MO ANG
The Destiny
Teen FictionNOTE: Read until the last chapter, sorry for the typos,and grammatical errors, I highly appreciated if you give some votes and comments every chapters of this story:) then for return, I'll give you a dedication. Status: (completed and editing)