Revelation 11

2.2K 74 18
                                    

L I S A

"Queen"napatingin ako sa tumawag sa akin at nakilala ko agad ito. Hinawakan nito ang kamay ko sabay halik.



"It's  been a while Jimin Manoban"bati ko dito tinignan ko si Kang Seulgi at mabilis na umalis ito ng room.



Sa ngayon ay nandito kami sa Knight University habang ang mga bata ay nasa bahay kasama ang mga baby sitter nila.



Habang si Jennie naman ay nasa Royalties University at mamaya ay susunduin ako.


Sa ngayon ay good mood si lolo kaya hindi ako kinukulit ngayon at hinahayaan ako. Dahil natapos ko na ang mga pending ko at maging sa mga inuutos nito.




"Yes, it's been 2 years my Queen"sagot nito pero tinititigan ko lang siya.





Tinitigan ako nito sa mga mata at alam ko na agad ang ibig sabihin nun. Ngumisi ako dito sabay abot ng folder sa kanya.





"Welcome back to Knight University Squad Unit Night Leader #2"malamig na sabi ko dito at mabilis na lumuhod ito bilang pag galang.





"Thank you my Queen"pinatayo ko agad ito at tinapik ang balikat. Bumalik ako sa pagkakaupo habang siya ay nasa harapan ko.




"Pinadala ka niya tama ba?"malamig na sabi ko dito at tumango agad ito. Napangisi ako ng sabihin niya ang totoo.





"Hindi pa rin ba siya sumusuko?"malamig na tanong ko ulit dito sabay tingin sa window na malapit sa inuupuan ko.





"Hindi at alam natin na hindi siya papayag hanggat hindi ka niya nababawi. Dahil para sa kanya ikaw ang nararapat na tagapagmana niya dahil anak ka ni M-"hindi na natuloy ang sasabihin nito ng tignan ko siya ng masama.





"Huwag mo na itutuloy ang sasabihin mo. Sila gumawa ng laro na yan. Dahil sa kanila hindi ko na malaman ang totoo kung sino ba takaga ako. Dahil sa laro ni Marcus at Mark Manoban hindi ko na alam ang totoo sa kasinungalingan na ginawa nila"malamig na sabi ko dito at sabay hampas ng malakas sa table na nasa harapan ko.





"Queen alam mo kung bakit ikaw ang gustong gusto nila gawin na successor. Dahil nagawa mo ang lahat ng mga pagsubok nila sayo noong 5 years ago. Maliban na nga lang sa pagpapakasal sa isang Kim"sabi nito at napangiti ako ng sabihin nito ang huli.





Naalala ko na pinirmahan ko ang marriage contract na binigay ni Jennie. Alam ko na contract iyon nung pirmahan ko at nagpanggap na hindi ko alam.





Hindi ako nag dalawang isip na pirmahan yun dahil isa yun sa magiging susi para makawala ako sa clan ng Manoban.







Hindi ko lang din inaasahan ang mabutis ako pero masaya ako dahil anak namin yun ni Jennie Kim.







Kaya mas pinilit ko din gamitin ng mga bata ang apelido ni Jennie dahil hindi ko hahayaan na madamay sila sa gulo ng mga Manoban.






"Gawin mo na ang dapat gawin. Ipapatawag na lang kita sa susunod brother"walang emosyon na sabi ko dito at mabilis na yumuko ito sa akin at tinanguhan siya.






The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon