Please read chapter 25..
-----
L A L I C E
Napatingin na lang ako sa phone ko ng ibaba na ang tawag ko sa kanya at ngayon ay nandito ako sa kwarto ko.
Paano nga ba ako naging failed experiment sa kanila? Dahil nagkaroon ako ng defect?
Napahawak ako sa bandang puso ko at napangiti ako ng mapait dahil alam ko na meron.
May sakit ako sa puso at kahit anong operation na ang ginawa sa akin at pag palit ng puso ay kusa pa din nagkakaroon ng butas ito.
Kinuha ko sa drawer ko ang isang laboratory test ko at napadiin ang hawak ko dito.
Congenital Heart Disease? Tsk!
Pinahanap ko kay Butler Dennis ang sinasabing Miracle Medicine na nakakagamot sa kahit na anong uri ng sakit.
Pero wala akong mahanap at yun na lang ang pag asang meron ako para gumaling.
Chineck ko ang RNA ko at may napansin akong kakaiba dito at malalaman na may abnormality sa katawan ko.
Mabilis ko din pinapatay ang nag test sa akin at nagcheck ng mga laboratory ko.
Hindi pwede malaman ng iba ang sakit ko pero maliban sa magulang ko at alam ko kaya nila ako hindi sinasaktan ko kung ano pa man.
Dahil sa sakit ko na ito, alam ko noon kung wala akong sakit na ganito ay hindi nila ako pag tutuunan ng pansin.
Mas pipiliin nila si Lisa kaysa sa akin noon at alam ko na may alam na sila sa ginawa ko noon kay Lisa.
"Priya"mabilis na tinago ko ang laboratory test at mabilis na binuksan ang pintuan ng room ko.
"Mommy"tawag ko dito at tinitigan ako nito sabay pasok at ilan sandali lang ay humarap ito sa akin.
"Priya kailangan mo na umalis dito sa MK Island, nagkakaroon na ng gulo at kailangan iligtas mo ang sarili mo"nag aalalang sabi nito sa akin at tinitigan ko ito.
"A-anak?"naguguluhan na tawag nito at mabilis na niyakap ko ito. Alam kong naguguluhan siya sa ginagawa ko.
"M-mommy bumalik na ang alaala ko nung panahon na nasa laboratory ako. Alam mo po ba naranasan ko doon?"malamig na bulong ko dito at naramdaman ko na tila nabigla ito at mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"K-kailan pa?"tanong nito at ngumisi ako dito sabay talikod sa kanya at tumingin ako sa mirror na nasa harapan ko at nakikita ko pa rin ang reaction ni mommy.
"Hmm days palang naman"sabi ko dito at mabilis na lumayo ito sa akin at lumabas ng kwarto ko.
Kinuha ko ang phone ko at mabilis na tinawagan siya, at alam ko na may problema din ito ngayon pero kailangan niya malaman.
"Lalisa, naalala ko na. Itutuloy pa ba ang plano natin noon?"tanong ko dito at ilang sandali lang ay natahimik ito.
------
S E U L G I
"Kang Seulgi"hinarap ko ang tumawag sa akin at mabilis na tinago ko ang kaliwang braso ko na may kulay pula na lumalabas.
BINABASA MO ANG
The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa)
FanficThe Missing Queen 2: The Revelation Jennie Ruby Jane Manoban-Kim/ Lalisa Pranpriya Manoban-Kim Where the LIES begin and where the TRUTH will revealed. JenLisa ❤ Highest Achieved #1 Twice #2 Twice