Revelation 15

1.5K 53 2
                                    

J E N N I E



Pagtapos ko magpaalam kay Lisa na uuwi muna ako ng mansion ay mabilis na pinag drive ko si Bobby papunta sa bahay namin na pinagawa ko 2 years ago.




Isang oras din ang naging byahe dahil sa spade city ko ito pinagawa para mas malapit sana sa Royalties University.




Papalapit na kami ng mapansin ko agad ang isang kulay red sports car at alam ko na agad kung kanino yun.




Napakuyom ko ang mga palad ko ng makaramdam ako ng mas matinding galit.





She's really back..





Mabilis na bumaba ako ng kotse at napansin ko na sinalubong agad ako ng mga maids.




"Welcome back young lady"bati nila sa akin pero hindi ko na sila pinansin at mabilis na pumunta ako ng study room.




Papasok palang ako ng biglang marinig ko na may tumawag sa akin.






"Jennie"hinarap ko agad ito at nakita ko na si Jisoo pala at napansin ko ang pag aalala na binibigay nito.





Hindi ko na siya pinansin at alam ko na nag aalala sila dahil bumalik siya at isa lang ibig sabihin nun.





May gulong hatid ang isang yun.






Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong agad ako ng isang pamilyar na tao.





"Hi Jennie Ruby Jane Kim"nakangising bati nito pero malamig na tingin lang ang binigay ko dito.






"What are you doing here? Unnie"malamig na sabi ko sabay harap dito ng malapitan at napansin ko na hindi pa rin nawawala ang ngisi nito.





"Too cold my dear little sister, where's my hug and my kiss. I miss my little kitten"nagdradrama na sabi nito sa akin ng ikinasama ng tingin ko dito.





"JINNY PEARL JANE KIM, what are you doing here?"may diin na banggit ko sa pangalan niya.





Kumurap ito at matapos ay tumatawang tinignan ako nito. Mabilis na tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit.






"My dear Jennie, you know I'm your older sister not your enemy"seryosong sabi nito sabay kalas ng yakap sa akin.




Natahimik ako sa sinabi nito at malamig na tinitigan siya. Dahil pilit bumabalik sa isipan ko na meron pala akong kakambal at hindi lang na nag iisang anak ng magulang ko.





Jinny Kim the oldest daughter of my parents, the real successor of Kim family.






The one and only run away heiress or the coward heiress na tinakbuhan ang responsibility bilang tagapagmana at pinasa sa akin na siyang naging sumpa sa buhay ko.




"My older sister? Nah don't make me laugh Jinny the run away heiress of Kim Clan"mapaklang sabi ko dito habang tinitignan ito ng malamig.





Natigilan ito sa sinabi ko at alam na niya agad na galit pa rin ako sa ginawa niya.





"I have my own reason why I run away Jennie"mahinang sabi nito at nawala ang ngisi sa mga labi niya.




The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon