Revelation 24

1.6K 65 21
                                    

J E N N I E

"Ms. Ruby"tinignan ko ng malamig ang tumawag sa akin at napansin ko na bitbit nila si Im Nayeon na puro dugo at wala ng buhay.





"Umalis kayo sa harapan ko"napaatras naman sila ng makita na masamang tinignan ko sila.





"Ms. Ruby tumawag si Patriach at kailangan niyo na bumalik sa Main Mansion. Nagkakagulo na ang MK Island"sagot ng isa sa mga tauhan namin pero hindi ko sila pinansin.






"Queen"may sumunod sa amin na tauhan ni Lisa at mabilis nila pinagbabaril ang mga bodyguard namin.





"Ms. Ruby kami na ang bahala kay Queen"malamig na tinignan ko ito at mabilis na inangat ko ang baril na hawak ko.





"Wala kang karapatan utusan ako. She's my wife at may karapatan ako sa kanya"malamig na sabi ko dito at mabilis na tinalikuran ito.






"Sundan na lang natin sila hindi natin maaari saktan ang asawa ni Queen. Alam mong maaari tayong patayin ni Queen at ang pamilya natin"






Hindi ko na sila pinansin at mabilis na sinakay sa sasakyan ko si Lisa at tinanguhan ko si Bobby.






"Sa Mansion ni Lisa tayo"utos ko dito at mabilis na pinaandar ni Bobby ang sasakyan.




Tinignan ko si Lisa at napansin ko na medyo namumutla ito.






Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang kamay ko at hinawakan ko ito sa pisngi niya.






"I miss you hun"bulong ko dito sabay halik sa noo niya.






Hindi mawala sa isipan ko ang makita siya kanina. Yung mga mata niya naging pula at tila makikita doon ang pagkasabik niya sa pagpatay at sa dugo.






"Kahit ano ka pa o sino ka pa, tanggap kita kahit ano man ang nakaraan mo. Mahal na mahal kita Lisa"bulong ko dito at naramdaman ko na humigpit ang pagkahawak nito sa kamay ko.







"Ms. Ruby tignan mo po"nagtatakang napatingin ako kay Bobby at may tinuro ito sa labas at hindi ko namalayan na nakahinto na kami.






"Anong nangyari? A-ang mga bata"dahang dahan ko inalis sa lap ko ang ulo ni Lisa at mabilis na bumaba ako.





Mabilis na pinuntahan ko ang nasusunog na mansion at napansin ko ang mga tauhan nila Lisa na nakahandusay sa lapag.







"Ms. Ruby"napatingin ako sa isang lalaki na papunta sa akin at nakilala ko ito.






"Jake anong nangyari? Nasan ang mga bata?"galit na tanong ko dito at napansin ko ang takot sa mga mata nito.






"M-may kumuha sa mga bata Ms. Ruby at matapos nila makuha ang mga bata ay pinatay nila ang lahat at kakaiba ang lakas nila pero may binigay silang papel"kahit nahihirapan ito ay mabilis na inabot ang isang papel at nakita ko ang isang seal at nanginginig na hinawakan ko ito.







"Lolo"galit na sabi ko ng makita ko ang seal at hindi ko namalayan na may umagaw sa akin ng sulat at nakita ko si Lisa ito.






Napansin ko na walang buhay ang mga mata nito at malamig na tingin ang binibigay sa akin.





Nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa puso ko at alam ko kung ano iyon.





The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon