L I S A
"Kang Seulgi ihanda na ang lahat"utos ko dito at ngayon ay hinihintay ang pag dating ng student council ng Royalties University.
"Lili"napatingin ako sa tumawag sa akin at nginisihan ito. Nakita ko na nawala ang ngiti nito.
"Jinny Unnie"tawag ko sa pangalan nito at saglit ito natigilan ng tawagin ko ang totoong pangalan niya.
"Kailan pa?"malungkot na tanong nito sa akin.
"Una palang"sagot ko dito sabay tingin kila Jeon Jungkook at Kang Seulgi.
"Kaya pala malamig ang pinapakita mo sa akin. Akala ko nagaya ko siya lalo na kamukha ko din naman si Jenjen"sabi nito pero nginisihan ko lang siya.
Napansin ko na nag ring ang phone nito at tinitigan ako sabay sagot sa tawag.
"Jenjen alam na niya"malungkot na sabi nito at natigilan ako saglit ng marinig ko kung sino ang kausap nito.
"Pupunta ako Unnie"rinig kong sagot ng kausap nito sabay baba ng tawag at mabilis na iniwan ito.
"Wait Lili"rinig kong tawag nito sa akin pero hindi ko na siya pinansin at pumunta agad ako sa stadium.
Pagpasok ko ay narinig ko ang pagkagulat ng mga students ng Royalties University.
"Ms. Lalice?"rinig kong sabi ng mga nandito ngayon pero hindi ko sila pinansin pero naririnig pa rin ang bulungan nila.
"H-hindi siya si Ms. Lalice, tignan niyo ang suot niya. Sports wear ng Knight University yan"tinignan ko ang nagsabi nun at namukhaan ko agad ito.
"Ms. Lisa"tawag nito at nginitian ito sabay tuloy sa paglalakad para makapunta ng stage.
"Queen"tinignan ko si Kang Ryujin ng salubungin ako nito at mabilis na lumapit ito sa akin.
"Hindi pa dumadating ang student council ng Royalties University"bulong nito sa akin pero tinignan ko ito.
"Parating na sila at si Kang Seulgi ang nasa labas para sumalubong sa kanila"sabi ko dito at mabilis na umupo ako sa upuan ko.
Jennie Kim be ready...
-----
S E U L G I
"Where's Tae?"tanong ko kay Jeon Jungkook at mabilis na sumagot ito agad sa akin.
"Nasa stadium binabantayan si Queen"tinanguhan ko ito at pilit na hinanap ko si Bambam dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita.
"Si Bambam?"tanong ko ulit dito at napaisip naman ito bigla at tinitigan ako.
"Hindi ba nasabi sayo? Pinadala si Bambam sa China kasama si Jackson"sagot nito at saglit ako natigilan dahil hindi nabanggit sa akin ni Lisa ang tungkol doon.
"Baka nakalimutan niya"sabi ko na lang dito at mabilis na pinaayos ko ang lahat ng makita namin ang isang sasakyan at may flag ng R. U.
BINABASA MO ANG
The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa)
FanfictionThe Missing Queen 2: The Revelation Jennie Ruby Jane Manoban-Kim/ Lalisa Pranpriya Manoban-Kim Where the LIES begin and where the TRUTH will revealed. JenLisa ❤ Highest Achieved #1 Twice #2 Twice