C H A E Y O U N G
"Kim Jisoo nasaan kana ba? Pinapunta mo ako dito sa park tapos wala ka pa?"inis na sabi ko dito habang kausap siya sa phone.
Sa ngayon ay hindi pa kami pumapasok ng University dahil simula ng malaman ni Jennie na nakabalik na si Lisa ay hinahanap na niya ito.
Ngayon nandito ako mag isa sa Diamond City at sa mismong Diamond Park dahil nasiraan din ang kotse ko.
Kaya sinabi ni Jisoo na dito kami magkikita para sunduin. Habang ang driver ko ay pinaalis ko para ipagawa ang sasakyan.
Nakaramdam ako na kailangan ko mag cr kaya naghanap ako ng restroom at ilang sandali lang may nakita ako.
Buti na lang din walang gaano na tao sa park ngayon dahil sa may pasok at school hours din.
Pagpasok ko ay may nakita akong dalawang batang babae. Nilapitan ko silang dalawa dahil pilit tinitulungan ng isa para makapag hugas ng kamay.
"I can't"malungkot na sabi ng isang batang babae at hindi ko makita ang mukha nila dahil nakatalikod at hindi kita sa salamin.
"We need to go back"napahinto ako sandali dahil sa lamig ng boses ng isang batang babae.
"Hello"sumingit na ako sa kanilang dalawa at pagharap nila ay napasinghap ako.
Dahil unang napansin ko agad ay ang itsura nila, lalo na ang isang batang babae na malamig ang tingin na binibigay.
Mini Jennie Kim and the other girl is like mini version of Lalisa Manoban.
"Ate Pretty can you help us? We need to wash our hands"sabi ng batang babae na may bangs na nakapag pabalik sa wisyo ko.
Nagmamadaling binuhat ko sila at pinatong sa sink ng wash area. Sabay ko sila nilagyan ng liquid soap pagtapos ay binanlawan ng tubig.
"Thank you Ate pretty"masayang sabi ulit ng batang may bangs na ikinangiti ko habang yung isa naman na kamukha ni Jennie ay malamig lang na tinitignan ako.
"Welcome, may kasama ba kayo? Anong name niyo?"tanong ko sa kanila at nakita ko na nagkatinginan ang dalawa na ikinangiti ko. Mukhang ako muna ang magpapakilala sa kanila.
"Don't worry wala akong balak na masama, I'm Park Chaeyoung and you can call me Rosè"sabay kaway sa kanila at nakita ko na mabilis na kumaway din ang isa.
"I'm Ella and this is my baby sister Lian"cold na sabi ni Ella at nakita ko naman na medyo naging comfortable na ito sa akin.
"She's my twin sister"sabi naman ni Lian na ikinangiti ko. Hanggang sa naalala ko na may tumatawag sa akin dahil nag ring ang phone ko.
"Wait lang ah, sagutin ko lang ito then samahan ko kayo pabalik"sabi ko sa kanila at tumango naman ang dalawa.
Kim Jisoo calling...
"Hello love, where are you? Nandito na kami ni Jennie sa Diamond Park"sabi nito sa kabilang linya at napangiti naman ako bigla dahil gusto ko ipakita sa kanila ang dalawang bata na nameet ko.
BINABASA MO ANG
The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa)
FanfictionThe Missing Queen 2: The Revelation Jennie Ruby Jane Manoban-Kim/ Lalisa Pranpriya Manoban-Kim Where the LIES begin and where the TRUTH will revealed. JenLisa ❤ Highest Achieved #1 Twice #2 Twice