Revelation 21

1.4K 61 7
                                    

J E N N I E

"Ms. Ruby"malamig na tinitigan ko ito pero ngumiti lang siya at sabay tawa nito sa akin.





"What?"malamig na sabi ko sabay tingin sa may monitor dito sa room ko.





"Hindi ka ba nagagalit? Kinukuha na niya ang dapat para sayo"sabi nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at tinignan pa rin ang nasa monitor.





Napatingin ako at nakita ko kung paano siya hinalikan ni Lisa, kung paano siya yakapin ng mga anak ko.



Kung paano din sila matulog sa isang kwarto na ako dapat. Mas lalong naging malamig ang tingin na binibigay ko.






"Masaya sila sa kay Jinny"may pang aasar na sabi nito at tinignan siya ng malamig.






"So?"sagot ko sa kanya at nakita na nawala ang ngiti sa labi nito at tinitigan ako.





"Hindi ka nakakaramdam ng galit o inggit?"tanong nito pero nagkibit balikat lang ako.






I know, malalaman din ni Lisa na hindi ako ang kasama nila.





"Jennie"napatingin ako sa tumawag sa akin at saktong pagpasok nito ay masamang tinignan nila ang kausap ko.





"Im Nayeon what are you doing here?"malamig na sabi ni Kim Jisoo at ngumiti naman ito sa kanila.






"Ako lang naman ang naassign para bantayan ang bagong successor"sabi nito at ngumisi.





"Jennie"tinignan ko sila at ilang sandali lang ay lumapit sa akin si Jisoo.





"Jendeukie sobrang higpit ng mga security dito ngayon sa Main Mansion. Pinababantayan ka ng maigi ni Patriach"sabi nito sa akin at tumingin kay Im Nayeon na ngayon at nakangiti lang.





"Lumabas ka"malamig na sabi ko pero tinaas lang nito ang mga kamay niya.




Mabilis na sumunod ito at paglabas niya ay mabilis na lumapit din sa akin si Chaeyoung.





"Jennie Unnie bakit hindi pa natin sabihin kay Lisa? Alam mo kaya ka niya iligtas"mahinang sabi ni Chaeyoung at umiling lang ako dito.





Dahil bumalik sa isipan ko ang napag usapan namin ni lolo nung matapos ang dismissal ni Jinny.





Flashback....



"Jennie Kim may dapat ka malaman sa nangyayari ngayon sa Kim Clan"sabi ni lolo sa akin at malamig na tinitigan ako nito.






"Ano ba ang nangyayari lolo? Alam mo na si Jinny lang ang nararapat maging successor mo"sabi ko dito at mabilis na binigay nito sa akin ang isang folder.






"Experimental Project"basa ko dito at nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko na lang ulit nakita ito.




Mabilis na binasa ko ang laman at nanginginig na nabitawan ko ito. Tinitigan ko si lolo at ngumiti ito ng malungkot sa akin.





"B-bakit? H-hindi ko ito alam"sigaw ko dito at tinitigan ako nito sabay buntong hininga niya.





"Ang MK Island ay isang artificial Island na ginawa ng dalawang pamilya at iyon ay ang mga Manoban at Kim"pag uumpisa nito at tinaasan ko ito ng kilay dahil alam ng lahat ang bagay na iyon.






The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon