J E N N I E
"Shuxin why are you here?"rinig kong tanong ni Lisa sa kausap niyang babae.
Nandito na kami ngayon sa Diamond City kung saan ngayon nakatira sila Lisa kasama ang kambal at si Kang Seulgi.
Kasabay din namin papunta dito na ngayon ang kausap niya. Tinitignan ko ng malamig ito dahil masyado siyang clingy sa asawa ko.
"I'm just missing you kaya pinuntahan kita dito sa MK Island, nalaman ko din kay Dylan Wang kaya napuntahan kita kung nasaan ka"masayang sabi nito sabay hawak sa kamay ng asawa ko.
"Mom, sleepy"napatingin ako kay Lian ng makita na inaantok na ito at nawala ang lamig sa mga mata ko dahil sa boses nito.
Tinignan ko si Ella at maging ito at mapungay na ang mga mata habang nakasandal sa akin.
Napangiti ako ng makita ko sila na parehong nilalabanan ang antok nilang dalawa.
"Excuse me, Hun bibihisan ko na ang mga kambal at papatulugin mukhang napagod sila ngayong araw"udlot ko sa pag uusap ng dalawa at sabay silang humarap pero kay Lisa lang ako nakatingin.
"Ahh I'm sorry, Akin na si Ella tulungan na kita magbuhat"sabi nito ng makita na nakatulog na sa balikat ko si Ella at maging si Lian.
"No need, just talk to her I can do it alone"sabi ko dito sabay tayo at buhat ang kambal. Nakita ko na tutol sana ito ng makita ko ang pag hawak sa kamay nito ng babae na kausap niya.
Napairap ako ng hindi talaga sumunod si Lisa at mabilis na umakyat ako papunta sa room ng mga bata.
Nang makarating ako ay dahang dahan ko sila hiniga at matapos kumuha ako ng mga pantulog nila.
Pinunasan ko muna sila sabay bihis ng pajama nila pareho. Napangiti ako ng makita na magkayakap na silang dalawa habang natutulog.
Biglang pumasok sa isip ko ang nakaraan, ganyan na ganyan din kami ng kakambal ko noong mga bata pa kami.
Pero mabilis na binura ko agad sa isipan ko ang tungkol sa kanya at napatingin ako bigla ng bumukas ang pintuan ng room.
"Hun"mahinang tawag sa akin ni Lisa at tinitigan ito saglit sabay balik sa tingin sa kambal.
Mabilis na hinalikan ko sa noo ang kambal sabay tayo at lalabas na sana ako ng room ng humarang si Lisa.
"Jennie galit ka?"tanong nito sabay yuko at napataas ang kilay ko sa tanong nito sa akin.
"No"malamig na sagot ko sabay iwas sa kanya at mabilis na lumabas ng room ng kambal.
Pagbaba ko ay napansin ko na wala na yung kausap niya at lalabas na sana ako ng marinig ko ulit ang tawag sa akin ni Lisa.
"Hun huwag ka muna umuwi, dito kana magpalipas ng gabi masyado na din gabi para umuwi ka pa"pigil nito sa akin pero hindi ko pa rin siya hinarap.
Naramdaman ko na lang may yumakap sa akin at hinayaan siya, dahil amoy palang niya at yung mabilis na pagtibok ng puso ko alam kong sino na siya.
BINABASA MO ANG
The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa)
FanfictionThe Missing Queen 2: The Revelation Jennie Ruby Jane Manoban-Kim/ Lalisa Pranpriya Manoban-Kim Where the LIES begin and where the TRUTH will revealed. JenLisa ❤ Highest Achieved #1 Twice #2 Twice