2 years ago..
L I S A
Palingon lingon ako sa paligid habang tinitignan kung may nakasunod pa sa akin.
Hindi ko Iniinda ang sakit ng paa ko dahil sa kakatakbo. Hanggang sa napahinto ako ng may ilaw na nkatutok sa akin.
"Young Lady"tinignan ko ng masama si Butler Peter ng tawagin ako nito at napansin ko na napaligiran na pala nila ako.
"Leave me alone"sigaw ko sa kanila at lalaban sana ako ng biglang dumating si Kang Seulgi at Bambam.
"Lisa, bumalik na tayo"sabi sa akin ni Bambam at nakita ko na tila pagod na pagod ito. Habang si Seulgi ay iniiwas ang tingin sa akin.
"Traydor"galit na sigaw ko sa dalawa at nakita ko na nasaktan sila sa sinabi ko.
Lalapit sana si Bambam ng tignan ko ito ng masama. Napabuntong hininga ito ng makita ang masamang tingin na binigay ko sa kanya.
"Lisa huwag kana lumaban, bumalik na tayo. Magpapaliwanag ako"pagmamakaawa nito pero hindi pa rin ako umimik. Lalapit sana ang mga tauhan namin ng pigilan sila ni Seulgi ng sumenyas ito.
"Lisa, bumalik na tayo masama sayo ang mapagod lalo na buntis ka"mahinahon na sabi nito pero nagtatakang tinignan ko ito na ikinangiti niya.
"What are you talking about?"naguguluhan na tanong ko at tinignan nito ang tiyan ko kaya sinundan ko.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ko na medyo may maliit na bump.
"H-how?"gulat na sabi ko at ngumiti ito sa akin at namulang umiwas ako dito.
"Lisa malamig dito at baka mapaano ka pa lalo na kakagising mo lang"sabi ni Bambam pero tinignan ko lang ito ng masama.
Lumapit sa akin si Kang Seulgi at inalalayan ako kaya hindi na ako nanlaban.
Lalo na ng pumasok sa isip ko na may baby sa tiyan ko na maaaring mapahamak kapag nagpumilit pa ako.
Pagbalik namin ay sumalubong sa amin si Lolo at ang kambal nakita ko na umiwas ng tingin ang dalawa habang si Lolo ay tinignan lang ako.
"Lolo, babalik ako ng MK Island alam ko hinahanap na ako ni Jennie at lalo na kailangan niya malaman na magkakaanak na kami"masayang sabi ko sabay hawak sa tiyan ko. Pero nakita ko ang malamig na tinging binigay sa akin nito.
"No hindi ka babalik doon hanggat walang permiso ko. Tandaan mo Lisa ikaw ang successor ko na magmamahala ng lahat"malamig na sabi nito pero hindi ako nagpatinag sa sinabi nito.
"Whether you like or not babalik ako lolo, hindi mo ako mapipigilan"walang emosyon na sabi ko dito at aakyat na sana ako ng hagdan papunta sa kwarto ko ng may sabihin ito na ikinatigil ko.
"Lalisa hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag nagpumilit ka. Sinisigurado ko once na bumalik ka ng MK Island wala kang maabutang buhay na Jennie Kim at ipapalaglag ko ang batang nasa tiyan mo"nanlamig ako sa sinabi nito at hinarap ko ito ng magalit na tingin sa kanya.
Napahawak ako sa tiyan ko at alam ko hindi ito nagbibiro. Napayuko ako dahil kahit anong mangyari proprotektahan ko ang bata para sa amin ni Jennie.
BINABASA MO ANG
The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa)
FanfictionThe Missing Queen 2: The Revelation Jennie Ruby Jane Manoban-Kim/ Lalisa Pranpriya Manoban-Kim Where the LIES begin and where the TRUTH will revealed. JenLisa ❤ Highest Achieved #1 Twice #2 Twice