2 years ago.
J E N N I E
"Jen, lasing kana umuwi na tayo"malamig na tinignan ko si Jisoo ng kinuha nito sa akin ang alak na hawak ko.
Halos araw araw na ako laman ng bar dito sa Spade City, madami na din nawalan ng buhay kapag may nagtatangka na lapitan ako.
"I'm not drunk Kim Jisoo"sabay kuha sa alak na hawak niya at ininom.
Lisa..
"Fuck!"sigaw ko sabay hagis sa lahat ng nahahawakan ko at nakita kong gumilid si Chaeyoung at Jisoo.
"Jen, umuwi na tayo tama na yan"sigaw ni Chaeyoung at nilapitan ako ng dalawa.
"Don't touch me"sigaw ko sa kanila at inalis ang pagkakapit sa akin. Lumabas ako ng VIP area at puro malalakas na music ang maririnig.
Paglabas ko nakita ko si Bobby at nakayuko lang ito ng makita ako. Napakuyom ako sa galit dahil alam kong wala pa rin sila balita kung nasaan si Lisa.
Hun where are you?
"Ms. Ruby w-"hindi na nito natuloy ang sasabihin ng tignan ko ito ng malamig.
"Key"sabay lahad ng palad ko dito at napansin ko na nag alangan itong ibigay sa akin.
"Give me the Key!"sigaw ko dito at mabilis na inabot ito sa akin bago ako makapasok nakita ko ang dalawa na papunta sa akin.
"Shit! Jennie open this, lasing ka baka ano mangyari sayo kapag nag drive ka"sigaw ni Jisoo pero mabilis na pinaandar ko ang kotse.
"Jennieeeee"huling narinig ko ng makalayo na ako. Pinabilis ko ang takbo ng sasakyan ko nakita ko na nakafull speed na ako.
"Lisa, where are you? I miss you"napatingin ako sa salamin ng makita ko na may luha na lumalabas sa mga mata ko.
"Ahhhhhhhh! Lisa"galit na sigaw ko at mas tinodo pa ang pag apak hanggang sa nanlabo ang mata ko.
Mabilis na pinunasan ko ang luha na lumalabas sa mga mata ko. Pagbalik ko sa tingin sa daan nasilaw ako sa ilaw.
Napangiti na lang ako ng makita ko kung paano bumangga ang sasakyan ko at humampas ang ulo ko sa manibela.
"Jennie"nanlalabong napatingin ako sa tumawag sa akin at napangiti ako dahil nakita ko siya.
"Lisa"tawag ko dito hanggang sa dumilim ang paningin ko.
----
"Mandu are you okay?"malamig na tinignan ko si Jisoo sabay tingin sa salamin ng room kung saan ako nakaconfine.
"Jen buti na lang at nagising ka. Isang buwan ka din nawalan ng malay"malungkot na sabi ni Chaeyoung sa akin pero hindi ko pa rin ito pinansin.
Akala ko si Lisa ang nakita ko bago ako mawalan ng malay ng maaksidente ako.
"May balita na ba sa kanya?"walang gana na tanong ko sa dalawa at napansin ko na natahimik sila.
BINABASA MO ANG
The Missing Queen 2: The Revelation (JenLisa)
FanfictionThe Missing Queen 2: The Revelation Jennie Ruby Jane Manoban-Kim/ Lalisa Pranpriya Manoban-Kim Where the LIES begin and where the TRUTH will revealed. JenLisa ❤ Highest Achieved #1 Twice #2 Twice